Monday, January 12, 2009

Malikot Sa Simbahan

Eto ay isang mensahe sa lahat ng mga "couples" sa simbahan.

Pwede ba, kung trip nyong maging malikot sa isa't isa o maglandi-an at magharutan, wag sa simbahan? Sa lahat ba naman ng lugar na pwede kayo mag PDA eh sa bahay pa ng Dyos? Mahiya naman kayo ng konti at rumespeto naman. Kung wala pala kayo balak magsimba eh bat pa kayo nagpunta sa simbahan? Kung di nyo pala mapigilan yang kati nyo sa katawan eh di sana sa ibang lugar na lang kayo nagpunta.

Nakakainis kasi kapag yung katabi mo o yung kaharap mo na babae at lalaki e bigla na lang nakikipaglolokohan sa isa't isa. Si kuya kinukurot si ate. Si ate hinihimas si kuya. Si kuya ang higpit ng yakap kay ate na para bang wala nang bukas. Si ate naman halik ng halik kay kuya na parang walang katapusan.

Nakaka-distract. Solemn na solemn ang pagdarasal mo na sana mabiyayaan ka, tapos may ganun. Nakaka-sira ng momentum eh. Sana buong buo na ang pagbuhos ng banal na espiritu sa yo ng mga biyaya, pero nauudlot dahil sa likot ng mga to. Ano ver... Nasa simbahan po kayo. Hindi po sa bar o motel o bahay nyo na malaya kayong maghayag ng damdamin at kamunduhan nyo. Marami kayong katabi na nakikita ang ginagawa ninyo at naiinis dahil napakalikot nyo. Andami nadidistract sa inyo. At higit sa lahat, lahat ng santo at santa nakatingin sa inyo.

Kaya please, onting respeto naman dyan.

No comments:

Post a Comment