Monday, January 19, 2009

Look-Alikes II

Nagsulat rin ako dati tungkol sa mga Look-Alikes at nalaman natin na karamihan sa mga nakikita natin sa telebisyon at sa mga billboards ay magkakamukha. Noong isang araw, ipinakita sa akin ng mabait kong kebigan na si Puyo ang bagong batch ng mga look-alikes! Ilan sa mga ito ay sobrang nakakatawa talaga at di mo maiisip na magkamukha nga hangga't hindi mo nakikita ang mga ito:

Photobucket
O di ba, kamukhang kamukha ng Metallica vocalist na si James Hetfield ang Lion sa The Wizard of Oz! Kaso hindi na ganyang yung hairstyle ngayon ni fafa James (yuck, fafa siguro para sa mga sinang-una na rocker chix). Medyo clean cut na sya ngayon. Err... Medyo lang.

Photobucket
Ito ang pinaka-nakaka-gulat na magkamukha! Hindi ko talaga naisip ito hanggang sa makita ko ang mukha nilang magkatabi. Si Mr. Burn burn burn Usher ay kamukha ni Nixau!! Yung nakakatawang African sa pelikulang The Gods Must Be Crazy! Naalala ko tuloy yung eksena sa pelikula na nakakita sya ng Coke na bote. Bwahahaha!

Photobucket
At finally! Si Bella Flores, kamukha ng piranha. The image speaks for itself. Nyahahaha!

No comments:

Post a Comment