Wednesday, January 14, 2009

Internet Abbreviations

Napapansin nyo ba, na sa paglaganap ng Internet ngayon eh andami na ring nauusong mga acronyms para pa-iksiin ang mga karaniwang expressions at salita? Lalo na sa chat at sa online gaming. Napakaraming abbreviations ang ginagamit na kapag ikaw ay baguhan, naku siguradong malilito at mami-misinterpret mo talaga. Ito ang ilan sa mga abbreviations na kadalasang ginagamit:
LOL. Nung nahilig ako sa chat (MIRC pa noon), meron ako nakikita sa chatroom na nag-uusap. Baguhan ata yung isa, at tinuturuan naman nung kasama nya. Nung biglang sinabi nung isa na "LOL," aba nagalit itong si manong. Bumanat ng "Porket baguhan lang ako tinatawag mo na akong ul0l!?!?" Ayun, di nagets ni manong. Ang ibig sabihin nito ay Laugh Out Loud.

ASL. Naalala ko yung kwento sakin dati ni Mel at Mike. May ka-kilala daw silang babae sa isang computer shop na nakikipag-chat. Tapos nung tinanong itong girlaloo ng "asl?" eh uminit ang ulo ng dalaga. Biglang nagreply daw sa kausap nya ng "Assh*le ka rin!!" sabay disconnect. Ang ibig sabihin nito ay Age / Sex / Location.

AFK. Sa Ragnarok ko unang nalaman ito. Andaming players nagpo-post ng pub at nakalagay dun "AFK." Tapos sa curiosity ko kung ano ito, pumasok ako sa pub na yun tas tinanong ko kung ano yung AFK. Napakatagal naman sumagot. Nag-flood na ako sa pub nya, sinabihan ko pa syang snob kasi di ako pinapansin. Kaya naman pala di ako pinapansin kasi sya ay Away From Keyboard.

BRB. Parati rin ito ginagamit sa chat. Wala akong kwento tungkol dito kasi parang napaka-obvious naman eh. Ang ibig sabihin nito ay Be Right Back.

GG. Nung nahilig ako sa dota, parati ko ito nababasa sa mga players. Napansin ko pa, sinasabi nila ito pag tapos na yung laro, lalo na pag panalo sila. Nung isang time na medyo hot na hot ako sa laro kasi trashtalker ang kalaban, sinabihan ko ng GG!!! Eh di reply yung kalaban ng "GG rin." Aba nainis ako at nireplyan ko ng "Mas GG ka!" Tas tinanong ako nung kasama ko bat ganun reply ko, sabi ko lang "eh sinabihan akong gag0 eh." Dun ko nalaman na ang GG pala ay Good Game.
Sa susunod naman yung iba, nauubusan akong kwento eh! At dami pa ko trabaho pakshet!!

No comments:

Post a Comment