Wednesday, October 29, 2008

Dota o GF?

Ngayong araw na to, dalawang tao ang nag-forward sakin nito (salamat lawrencedeguzman at razakturr), pero naalala ko dati pinadala rin sakin to ni Alps eh. Kalimutan ko lang kung san ko nalagay hehe. Enjoy!!

GF O DOTA?

Si DOTA isa lang sa mundo
GF napakarami niyan

Si GF iiwan ka niyan
Si DOTA hindi

Si GF kadalasan nagagalit pgDODOTA ka
Si DOTA hindi nagagalit pagnakay GF ka

DOTA P20 lang masaya na
Si GF P200 baka di pa masaya

Pagnakikita ka ng ibang HERO hindi ngagalit si DOTA
Pero pagnakikita ka ng ibang babae nagagalit si GF

Si GF paginiwan mo mahirap makipagbalikan
Si DOTA pag iniwan mo handa ka pa din tanggapin

Si DOTA pedeng pagkakaperahan
Si GF ikaw ang peperahan

Alin mas gusto mo? DOTA o GF? Magisip ka na. for me DOTA na lng!! TAMA YAN.. PAGPA2loy nyo!

Note: TEKA!! Panlalaki lang to a!! Pano pag babae yung nagdodota????? Eto ang version ko para sa mga babaeng adik:

Si DOTA isa lang sa mundo. Pero anytime andyan lang yan.
Yung GF na nagdodota, mahirap mahanap yan. Pag nawala, hirap ka na maghanap ulet.

Si GF iiwan ka niyan ng dahil sa dota.
Si DOTA iiwan ka ba para sa GF?

Si GF kadalasan nagagalit pag walang dota.
Si DOTA ba may pakialam kung mawalan ka ng GF?

DOTA P20 lang masaya na
Si GF masaya rin sa P20 lang.

Pagnakikita ka ng ibang HERO hindi ngagalit si DOTA
Pero pagnakikita ka ng ibang babae walang paki si GF kasi puro dota sa isip nya.

Si DOTA pag iniwan mo handa ka pa din tanggapin
Pero pag si GF iniwan mo, kaya nyang mag move on dahil sa dota. Okay lang.

Si DOTA pedeng pagkakaperahan
Si GF ikaw ang peperahan para may pangdota sya. (sabi ni Alps)

Alin mas gusto mo ngayon? DOTA o GF na nagdodota?

BOTO NA KAYO!! Nasa kanan yung poll. =D Read More

Tawa Muna - Dyok Time

Paki-highlight na lang po yung space after ng tanong para malaman nyo yung sagot.

Country Dyoks:


Anong country ang hindi sayo? Kenya
Ano namang country ang pinanggagalingan ng gatas? Nepal (sabihin mo ng paulit ulit)
Anong country ang pinakamahirap? Singapoor

Isda Dyoks:

Anong isda ang isang daang taon na? Century Tuna
Anong isda ang mabango? Ligo (bagong ligo eh)
Anong fish ang takot sa tubig? Tuyo
Anong sabi ng isda nung mamamatay na sya? I'm daing
Anong sabi ng isda nung hiniwa sya sa gitna? I'm tuna

Animal Dyoks:

Anong animal lagi nauuntog? dog
Anong animal lagi nahihiwa? cat
Anong animal ang nagsusuot ng bra? zebra
Anong hayop ang paa nasa ulo? Kuto
Anong animal ang nagsusuot ng brief? dodo bird
Anong animal ang walang paki? Lion ('la 'yun)
Anong animal ang nagswiswimming? Elepante. Bakit? meron silang Trunks.
Anong animal ang pangit? COW

Sari-sari Dyoks:

May apat na bear nakasakay sila sa sasakyan. Yung mga bear ay sila: papa bear, mama bear, baby bear. Sino ung isang bear? Dray-Bear

Anong tawag sa anak ni batman at batgirl? BATa

May tatlong building, yung sa gitna yung Jolibee. Ano yung building sa kanan at kaliwa nya? Jolli-A at Jolli-C

Sino ang pinakamalakas na artista?
SHARON CUNETA! kasi may pelikula sya PASAN KO ANG DAIGDIG

Sino ang pinakamaliit na artista?
FERNANDO POE Jr.! kasi may pelikula sya KAHIT BUTAS NG KARAYOM PAPASUKIN KO Read More

Tuesday, October 28, 2008

Parang Gobyerno Lang

Kawawa naman tong si Megarak. Kelangan kasi nya magtanong tungkolsa PhilHealth kasi magpapa-opera sya ngayon. Sa kasamaang palad, wala na kaming resident HR person dito sa floor namin, at ang HR na naka-assign sa amin ngayon ay nasa kabilang building pa (mga 2-3 blocks away).

So hanap kami ngayon ng HR person sa Global Address Book. At ayun, nakahanap nga kami ng Compensations and Benefits person. Eh di ba part naman ng compensation at benefit ang PhilHealth?

Tinawagan ngayon ni Megarak ang C&B person na ito. At nung nagtanong na si Mega, ang banat ni C&B eh, "ita-transfer ko po kayo sa Nurse." Anakngpatola... Bakit sa nurse!? Well, benefit of the doubt sige nagtanong na rin sa Nurse tong si Mega. Baka lang naman mas may alam to.

Kaso pagtawag ni Mega sa nurse, aba'y pinasa ulet sya dun kay C&B! Ano ba talaga koyah? Wala ba kayong mga alam tungkol sa PhilHealth na yan? Sino ba dapat na maka-alam nito? Nagpapasahan lang eh, parang gobyerno.

Jusko natatakot tuloy ako pag ako nagkasakit at magtatanong, may magandang maisasagot kaya ang HR namin?? Read More

Dota Drama

Sino mag-aakala na may kadramahan rin palang nagaganap pag nagdo-dota? Hanlabo naman, men.

Mahirap pag sobra-sobra na ang naglalaro, kung pwede lang sana gawing 8v8 ang dota eh para maka-laro lahat. Kaso hindi. So ano ang solusyon? Either break the team (para 2 games na 4v4), or wag na muna maglaro ang iba.

Mapagbigay naman akong tao kaya hinahayaan ko na lang yung iba na maglaro kahit gusto ko pa. Since sobra na, okay lang talaga na hindi muna ako maglaro. Kasi ang aga aga pa lang eh naglalaro na ako. Give chance to others, kumbaga.

Pero kala ata ng iba na nagda-drama ako pag sinasabi ko to e. Alam kong adik ako at gusto ko pa maglaro, pero hindi sa point na pati sa simpleng bagay tulad nun eh magiging whining bitch ako. Okay lang talaga sakin na hindi maglaro. Mahirap ba intindihin yun??

Nagsasakripisyo na nga ako ng laro ko, wag naman sana dugtungan pa ng kaartehan at may pa-leave room effect pa o kung anu-anumang ka-ek ekan na nalamaan. Yan kasi ang mas madrama. At mas nakakainis. Read More

Monday, October 27, 2008

Ilonggo 101

Nung isang araw may nakalaro kaming mga taga-Iloilo. Eh kaso medyo asar-talo sila kaya pinagmumura nila kami at pinagsasalitaan ng masama pero in Ilonggo/Hiligaynon. Ang malas nga lang nila dahil marunong ako nito kaya mas lalong asar talo sila =3

Gusto mo bang matuto kung pano magsalita ng Ilonggo/Hiligaynon? Eto ang mga salita na baka pwede mong mapakinabangan sa araw-araw mong pakikibaka sa mundo:

Note: (F) = Filipino; (E) = English
Namit: (F) Masarap; (E) Delicious
e.g.: Namit ang ice cream.
(F) Masarap ang ice cream. (E) Ice cream is delicious.

Ka-on: (F) Ka-in; (E) Eat
e.g.: Ka-on na ta!
(F) Kain na tayo! (E) Let's eat!

Gwapa: (F) Maganda; (E) Pretty
e.g.: Ka-gwapa sa imo.
(F) Ang ganda mo. (E) You're pretty.

Law-ay: (F) Pangit; (E) Ugly
e.g.: Ka-law-ay sa imo.
(F) Ang pangit mo. (E) You're ugly.

Ambot: (F) Ewan; (E) no specific word... but often times used as "I don't know" or "Whatever"
e.g.: Ambot sa imo!
(F) Ewan ko sa yo! (E) Whatever!

e.g.
: Ambot, wala ko kabalo.
(F): Ewan ko, hindi ko alam. (E): I don't know the answer.

Bu-ang: (F) Baliw; (E) Crazy
e.g.: Bu-ang ka.
(F): Baliw ka. (E): You're crazy.

Putyong: (F) Supot; (E) Uncircumcised
e.g.: Putyong ka bala.
(F): Isa kang supot. (E): You're still a kid.

Agi: (F) Bakla; (E) Gay
e.g.: Si Dyego agi.
(F): Si Dyego ay bakla. (E): Dyego is gay.

Mangô: (F) Bobo; (E) Stupid
e.g.: Mangô si Gloria.
(F): Bobo si Gloria. (E): Gloria is stupid.

In-tô: (F) Uto-uto; (E) Gullible
e.g.: Daw in-to bala ako.
(F): Para akong uto-uto. (E): I'm so gullible.
Sana magamit nyo ito sa pang-araw araw nyong karanasan. =D Read More

Sunday, October 26, 2008

Bakit Ka Single?

Pinadala ito ni Dana sa email nung isang araw. Kakatuwa hahaha.

Destiny Addict. Ito yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "soulmates" and whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino man `yung talagang meant for him/her ay darating na lang bigla sa paraang maaaring hindi niya inaasahan–wow, parang Serendipity. Laging maririnig na magsasabing: "Dadating din `yan. `Wag kasing hanapin!"

Perfectionist. Simula nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya sa kanyang magiging boypren/girlpren. Kapag may nakilala siya at nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o parang penguin maglakad, wala na. Turn off na `yun para sa kanya. Laging maririnig na nagsasabing: "Ok na sana siya e. Kaya lang gusto ko `yung ganito…"

Busy Bee. Pasensya na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, bolpen, papel at calculator. Umaalis ka ng 6 am sa bahay at umuuwi ng 7 ng gabi `pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at matutulog na. Masaya ka nang makanood ng TV `pag Sabado (at gumawa ulit ng homework). Sapat na sa'yo ang kumain sa labas kasama ang pamilya `pag Linggo (at gumawa pa rin ng homework).Laging maririnig na nagsasabing: "Sorry. Wala akong time sa ganyan e."

Friend Forever version 1. Kunwari ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga `yang best friend o special friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. `Yung tipong `pag may kasamang iba `yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa totoo lang, gusto mo na malusaw na parang ice caps dahil sa Global Warming.Laging maririnig na nagsasabing: "I'm so happy for you!" o "Sayang naman `yung pinagsamahan namin e."

Friend Forever version 2. Wala tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang kasarian–pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys, ladies' man. Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang nakaka-hang- out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walanghalong malisya.Laging maririnig na nagsasabing: "May inuman ba mamaya?" (kung babae) o "Hatid ko ba kayo mamaya?" (kung lalaki)

Born to be One. Single-blessed ka at wala ka nang magagawa kung ganun. Nilikha ka siguro para maging
mag-isa (pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh)

Happy-go-lucky. `Eto `yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang at walang seryosohan please. Personally, ayoko nung mga ganito. Umaapaw lang siguro `yung mga taong ganito sa L. Magbuhos ka nalang ng malamig na tubig sa iyong buong katawan at solb na `yan.Laging maririnig na nagsasabing: "I'm not ready to commit e, but I really like you."

Wrong Time. Eto naman `yung mga laging dinadahilan na masyado pa silang bata o kaya masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, `yung pakiramdam nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa pamilya, o long test kinabukasan.
Laging maririnig na nagsasabing: "We had the right love at the wrong time…"

Parent Trap. Ayaw ni mama o ni papa na magkaboypren/ girlpren ang kanilang unica hija/hijo kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera. Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may makadalaw sa'yo sa bahay. O kaya, baka ikaw `yung may problema dahil natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa taong iyong gusto. Baka kasi sabihin nila na masyado siyang bansot/ matangkad/baboy/ payatot para sa'yo.Laging maririnig na nagsasabing: "Baka kasi magalit si Mama/ Papa."

Trauma. Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww. Pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka makapagmatapang na magventure into some love quest.Laging maririnig nanagsasabing: "Pagod na pagod na akong masaktan!"

Your Ex-Lover Is (NOT) Dead. Yikeeee. Mahal pa rin niya ang kanyang ex at hindi siya maka-get-over the
person. Boo. Pilit pa ring inaalala ang mga tawanan, iyakan, at PDA moments nilang dalawa kahit `yung ex niya ay nakikipag-(insert verb here) na sa ibang babae/lalaki. Sasabihin mong nakapag-move on ka na pero pag nagkwentuhan tungkol sa pag-ibig, tandadadaaaaan! Siya na naman naiisip mo. Laging maririnig na nagsasabing: "I'm over him/her…" *tapos iiyak bigla*

Ayaw. Dalawa na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-"someone" . Hindi ko na pipilitin ungkatin `yung dahilan pero may mga pagkakataon lang talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka…ayaw kasi sa'yo nung gusto mo. And that's the shizzest thing ever! Pwedeng ayaw niya sa'yo dahil may girlpren/boypren siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya talaga at wala ka nang magagawa kung ganun. Laging maririnig na nagsasabing: "Ayoko pa magkaboypren/ girlpren e." o "Hindi naman niya ako gusto." hanggang tumanda ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga. Minsan lang, masyado silang masungit.

Ikaw, saan ka?
Read More

Thursday, October 23, 2008

Ang Ahas

Sa panahon ngayon, ang ahas ay isang taong nanunulot ng boypren/gelpren o asawa ng ibang tao. Sila yung bigla na lang eepal sa isang relasyon at minsan ay tinatawag na "third party" dahil sila ang nagiging dahilan kung bakit nasisira ang relasyon. Kung bakit "ahas" ang tawag sa kanila, siguro dahil may kinalaman ito sa instinctive nature ng snakes sa paghu-hunt ng kanilang pagkain.

So bakit nga ba may ahas sa mundong ito?
Simple lang ang sagot. Dahil rin sa mga taong pumapayag na magpa-ahas.

Ang isang tao ay hindi mo pa maitatawag na ahas kung nag-uumpisa pa lang syang umepal. Epal lang ang tawag sa kanya. Kadalasang ginagawa nya eh ang pakikipag-close dun sa pinopormahan nya para di mahalata na may kakaiba pala syang pakay. Kadalasan din dadalhan nya ng pagkain, tatawagan kung nakauwi na, ihahatid o sinusundo sa trabaho/skul, bigyan ng mumunting regalo, at kung anu-ano pa na ginagawa ng isang manliligaw -- pero "as a friend" nya itong ginagawa kasi nasa isang relasyon pa ang kanyang biktima.

Eto namang biktima, syempre matutuwa sa kakaibang gestures na ginagawa sa kanya. Feeling nya napaka-special nya. Minsan umaabot sa point na ikinukumpara nya ang kanyang kasalukuyang ka-relasyon sa epal, at dito nagsisimula ang kanyang pagdadalawang-isip.

Pero wait lang, hindi lahat ng biktima ay umaabot sa point na igi-give up nila ang ka-relasyon para sa epal. Kung nasa matinong pag-iisip ang biktima, at kung mahal nya talaga ang ka-relasyon, hindi sya papayag na tong si epal eh talagang umepal sa relasyon nya. Kung talagang tapat sya sa relasyon nya, gagawa at gagawa sya ng paraan para ma-preserve ito.

Subalit may mga taong... madaling matukso ng temptasyon ng isang epal. At dahil dito pumapayag sila na dere-derecho ang pang-eepal ng epal hanggang sa sulok ng kanilang kwarto. At dahil dito, nasira ang kanyang relasyon... At nag-transform rin ang epal sa isang Ahas. Dahil pumayag ang kabila na magpa-ahas, ganap na ahas na rin ang isang epal.

Ang masasabi ko lang: kung epal ka, sana makahanap ka ng katapat at mapahiya ka. Kung ahas-able ka naman, sana makahanap ka ng stalker na partner para kahit magpa-ahas ka man, wala ka pa ring kawala!! Read More

Wednesday, October 22, 2008

Mga Salitang Tagalog na Dapat Mong Malaman

Nakuha ko lang to sa Oracle Boards dati at nung nabasa ko eh tawa ako ng tawa.

BAKTOL. Ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o FX.

KUKURIKAPU. Libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.

MULMUL. Buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal, subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.

BURNIK. Taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo naito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

ALPOMBRA. Kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo.
ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero
kadalasang suot ng mga lalaki. available in blue, red, green, etc.

BAKOKANG. Higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

AGIHAP. Libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay
suotsuot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.

DUKIT. Ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit o sa puwit ng
iba

SPONGKLONG. Ito'y isang bagong wikaan nangangahulugan isang estupidong tao.

LAPONGGA. Ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan

WENEKLEK. Ito ang buhok sa utong nakadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging
nakahubad. Meron din ang babae nito.

BAKTUNG. Pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
BAKTI. Bakat panty

ASOGUE. Buhok sa kilikili

BARNAKOL. Maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon

BULTOKACHI. Tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak (Yung parang sa Tang na commercial)

BUTUYTUY - etits ng bata

JABARR. Pawis ng katawan

KALAMANTUTAY. Mabahong pangalan

McARTHUR. Taeng bumabalik after mong i-flush

BASKIL. Basang kilikili Read More

Tuesday, October 21, 2008

Nang Dahil Sa Dota

Ito ay isang kwento na nangyari kagabi. Ang mga tauhan sa pangyayaring ito ay itatago natin sa mga pangalang kathang-isip lamang.

Si Pedro ay naglalaro ng Dota sa isang shop. Si Juan naman ay naglalaro mula sa kanyang bahay. Magkalapit lang ang dalawang ito, sapagkat ilang kanto lang ang pagitan ng bahay ni Juan sa shop na pinaglalaruan ni Pedro. Kahit hindi magkasama ang dalawang ito, nagkita pa rin sila sa laro gamit ang Garena. Magkasama sila sa Sentinel, at pawang magagaling na manlalaro ang mga ito.

Subalit sa kalagitnaan ng laban, bigla na lamang nag-dc (disconnect) itong si Juan. Ang sabi nya bago sya umalis ay "Andyan na si mommy, alis na ako." Mukhang pinagbabawalan ata ng nanay nyang magpuyat tong si Juan.

Natapos na ang laban na iyon at pagdating ng pangalawang laban, bigla na lang nagulat si Pedro na may bisita sya sa shop. "Si pareng Juan yun ah," sa isip nya. Laking gulat ni Pedro ng makita nya si Juan na duguan ang nguso!

"Juan, ano nangyari sa yo? May kaaway ka? Upakan natin!" ang sigaw ni Pedro.

Ang sagot naman ni Juan, "&@*&%$ pare, nahuli ako ni mommy naglalaro. Hinampas ako ng keyboard."

Hahahaha! Moral of the story: Itago na rin ang keyboard. Kaso baka monitor na yung ihampas sa sunod, yung CRT pa. Read More

Monday, October 20, 2008

Videoke Peyborits

Note: Naisipan ko magsulat ngayon tungkol sa videoke dahil kay Yuhenyo. Sabi kasi nya videoke daw pag nakuha nya na back-pay nya woohooo!!

Ano nga ba ang madalas na kinakanta pag nagvi-videoke? May progression yan e. Habang di pa lasing, matitino pa yung mga kanta. Yung mga uso, mga bago, mga love songs (para sa mga emotero at emotera), mga alternative at rock (para sa mga hard-core rakistas). Pero pag tumatagal ang inuman, tumataas ang tagay, at tumataas na rin yung amats, bumabago na ang mga kantang pinipili sa listahan. Epekto ba to ng alak? Habang tumatagal, ganito na ang mga kinakanta ng mga tao:
Birit Songs. Kahit olats na olats ang boses ng mga tao e pumipili pa din sila ng uber-birit songs tulad ng mga kanta ni Mariah Carey, Whitney Houston, at Charice Pempengco. Para naman sa mga lalaki, peyborit nila yung "I don't want to miss a thing" ng Aerosmith.

Rap-rapan na! Salbakuta, Gloc-9, Andrew E. Pabilisan mag-salita/kumanta! Minsan nakakagulat din malaman na yung kala mo eh hard-core rakista eh memorize pala yung S2pid Luv!

Jukebox. Mga kanta ni Claire dela Fuente, Aegis (Basang-basa sa ulan, Halik), April Boy Regino (Pano ang puso ko), atbp.

Boyband/Girlband of the 90's. Alam ko marami nagsasabing jologs daw ang mga boyband at girlband noon pero para sakin champion pa rin ang mga kanta nila sa videoke lalo na yung "Stop" nung Spice Girls, yung "Quit Playing Games" nung Backstreet Boys, at yung "Drive Myself Crazy" ng N'Sync.

Uba-uba songs. (Note: Uba is an Ilonggo word which means "hubad"). Nakuha ko to sa kebigan kong mahilig sa forever christmas bars (i.e. yung mga nasa Q.Ave...) na si Puyo. Ito daw ang sounds pag nag-aacrobatics na ang pinapanood nila. Peyborit dito yung Total Eclipse of the Heart, Vulnerable, at Sometimes when we touch.

Bohemian Rhapsody. Yun yun eh, finale!
Di ko na maalala yung iba pang peyborits! Shet tagal ko na di nagvi-videoke!! Videoke naman tayo! Sacrifice muna dota... Read More

Sunday, October 19, 2008

Taxi Kupals

Mahilig ako sumakay sa taxi pag umuulan o kaya pag nale-late na ako. At sa bawat taxi na sinasakyan ko, may kakaiba! Swerte ko lang talaga pag matino yung nasakyan ko (matino yung drayber pati yung sasakyan nya). Kaso paminsan-minsan eh hinahabol rin ako ng kamalasan. Pucha naman kasi, andami rin kupal!!! Ta-taxi ka na nga para di gaano nakaka-stress tapos mase-stress ka rin pala. Amp naman!

Manong Stalker. Nung minsan pumasok ako at napag-isipan kong mag-taxi dahil male-late na ako sa skul (college pa ako nun), kala ko maswerte na ako nung may nakuha agad akong taxi. Pero di ko akalain na si manong pala eh maypagka-stalker. Biruin mo, habang nasa byahe eh tinatanong nya kung ano daw kurso ko, may boypren na ako (eh dati wala pa), kung ilan taon na, kung dun ba ako nakatira talaga, etc. Tas humirit ba naman bigla, "ganitong oras ka ba pumapasok?" Nung tinanong ko kung baket, sinagot ba naman ako ng "sunduin at hatid na lang kita araw-araw." Anakngpucha naman. Natakot ako at sa Shangri-La na lang ako bumaba. Ayoko na magpahatid sa skul baka pati dun eh humirit pa sya ng kung anu-ano. Katakot naman tong mga to!

Storyteller. Sila yung mga hindi nauubusan ng kwento, kahit anong topic basta lang may kwento. Yung pamilya nila, yung mga pasahero nila, yung mga chismis sa showbiz, yung mga teleserye, atbp. Okay naman minsan yung mga ganito eh, pero ang nakakainis lang eh pag pagod na pagod ka na at wala ka talaga sa mood makipagkwentuhan. At etong si manong eh pinipilit ka pang magsabi ng opinyon mo. Amp naman! Pag ganito tumatawa na lang ako ng plastik minsan eh. Pero bilib ako sa isa kong kaibigan, sa sobrang inis nya nasabihan nya talaga si manong ng "Pwede ba, Shut UP!!" Haha Ingles pa yun! Idol kita mare!

Makabayan. Daig pa nila ang mga kolumnista at radio hosts sa pagbatikos sa mga pangyayari sa bansa! Grabe! Pero nakakatuwa tong mga to, ibig sabihin may pag-aalala sila para sa bansa. At ibig sabihin din eh sila ang naaapektuhan sa mga pangyayari na nagaganap buhat ng mga desisyong ginagawa ng mga politiko. Kaso minsan eh nakakapikon rin tong mga to e, lalo na pag pa-ulit ulit nilang sinasabi na napaka-korap (corrupt) ni GMA. Alam na namin yun manong, wag naman po paulit-ulit kasi hanggang panaginip e naririnig namin ang sinasabi nyo.

Ang Songer. Ay grabe parang napunta ka lang sa isang videoke bar sa tindi ng pag-sing along ni manong sa mga kanta sa Love Radio o sa Energy FM! May golay! Walang-care si manong kahit wala na sya sa tono. kahit mali-mali ang lyrics nya, at medyo masyado na malakas ang kanyang boses! Basta feel nyang kumanta sa "Ojo Kaluguran" eh kakanta sya! Jusko naman. Mga ganitong panahon nami-miss ko tuloy ang iPod ko!

Malapit na ma-K.O. Ito yung mga taxi na konting lubak na lang sa daan eh feeling mo mawawasak na yung sasakyan. Sa Ilonggo, ang tawag namin ganito e mga "pagal-palon." Yung tunog kasi ng taxi nila pag umaandar eh "pagal-pagal-pagal..." Minsan rin sira yung aircon at mabaho na yung mga upuan... Hay stress!!

Pa-simpleng Palimos. Naku sila ang pa-simpleng hihirit pag sakay mo ng taxi. Ang typical na linya nila eh: Mam, dagdagan nyo na lang po... Pakshet naman!! Nakakainis talaga tong mga to lalo na pag malapit lang yun pupuntahan mo at hindi pa trapik. Gusto ko lang sabihin sa mga taxi driver at sana maintindihan nila ito: Ang mga pasahero nyo eh kusang bibigay yan pag gusto nila ang serbisyo na ginawa mo! Wag naman sana garapal na hihingi ka kasi lalong maiirita ang pasahero at kukuriputin ka pa lalo!

Ang kontraktor. Ito ang pinaka-kupal sa lahat ng mga taxi driver. Yung tipong sasakay ka sa Robinsons at sa OSMA ka lang baba. Sasabihin sa yo ni manong na Php150.00 ang kelangan mo bayaran. Pakshet naman! Di pa aabot ng ochenta pesos yun e! Sa sobrang gahaman sa pera nitong mga to eh minsan ansarap basagin ng bintana nila e. Kaso ano naman magagawa ng simpleng pasahero kundi ang ibagsak na lang ng todo ang pintuan at maghanap ng hindi kups na taxi.

Killer Taxi. Pag sumakay ka dito feeling mo talaga mamamatay ka na. Sa sobrang kaskasero ni manong eh napapa-higpit ang hawak mo sa kung saan man pwede humawak. Minsan ayos to pag nagmamadali ka eh, pero pag stressed ka na nga sa trabaho tapos ganito pa ang nakuha mong taxi, jusko parang daig mo pa yung taong i-electric chair sa sobrang takot. Sabi nga ng nanay ko pag nakakauha sya ng ganito, parang tumataas daw yung uterus nya at bumabaliktad ang bituka nya. Eh jusko naman kasi, pwede naman magmaneho ng mahinahon!!

Ikaw, ano ang kwentong Taxi mo? Read More

Thursday, October 16, 2008

Look-Alikes

Ang titindi nitong nahanap kong look-alikes! Kamukha talaga! Nyahahaha. Yung mga nakikita mo sa TV o sa mga billboard na kala mo eh kathang-isip lamang, aba'y akalain mong may mga totoong tao pala na talagang kamukha nila? Eto mga astig na look-alikes:

Photobucket
Ang totoong Michelin model. Grabe na to nakakatakot na ata pag pina-laki mo ng ganito ang anak mo. Tingnan mo naman yung laki ng tyan. At anlaki ng pata. At may maliit na... Well nevermind. Hindi na cute, kawawa siguro to paglaki nya pag di pa sya nag-dyeta.

Photobucket
Kilala nyo ba si Kokey?? Sya yung alien sa sikat na TV show ng Kapamilya network. Hindi ko alam kung sino ang model na basehan ng kanyang itsura... Pero kung kay JDV nga, di na ako magtataka. Pero mas astig pa din kilay ni JDV. Wala na makakatalo dito.

Photobucket
DragonBall fan ka ba?? Kung oo, sigurado akong hindi mo makakalimutan si Mr. Satan, o sa pinoy version, si Mr. Pogi. Sya yung duwag na tatay ni Videl na naging champion ng Martial Arts Tournament (pakshet, di halatang fan ako ng Dragonball no?) at sya ang nagbibigay katatawanan sa ma-aksyong anime/manga na ito.
Read More

Wednesday, October 15, 2008

Dota Noob Heroes

Ang piyesang ito ay isinulat at ipinadala ng isang avid reader na itatago natin sa pangalang KidLightning. Kung gusto nyo sya hamunin, paki-comment na lang dito at ipost ang inyong YM ID para mai-pm ko sa inyo ang kanyang Garena ID. Hehehe.

Sa daming beses ko na naglaro ng dota, sa LAN or Internet, meron talaga noob, yung bang tanga o nagmamarunong pa minsan pero sablay gumamit ng skills!! Eto ang ilan sa mga Dota Heroes na binigyan namin ng mas malupit na pangalan para umangkop sa tangang manlalarong gumagamit sa kanya.

Me-Food (The Geomancer)

Bwahaha, gusto agad tumesting ng micro-management ah. Kaso lagi namang patay sa mga may AOE spells. Minsan naman pupwesto sya para mang-gank, pero dahil inutil sya sa pag-“TAB TAB,” di nya mailabas ang kapangyarihan ng Poof. Ang resulta? Sya ngayon ang na-poof sa kawalan! Ubos ang lahi ng mga Geomancer hanggang sa d man lang sya makaipon ng gold kahit pang vladimir’s o kaya Mekansm. Ang msasabi na lang nya sa sarili nya, “Me, Food.”

Useless Void (Darkterror)

Ay grabe, pag itong hero na to ay nagulpi at 0 kills pa… tatawa talaga ako! Kasi di naman sya mahirap i-farm eh, malakas ang base damage nya. Yung mga tangang gumagamit nito minsan hindi marunong mag-last hit… Minsan naman pag clash mali ang na-cchronosphere… Pakshet, duling amf! Pinaka-tanga pag wala man lng unit (ally or enemy) sa loob ng chrono…nice tao napaka-walang kwenta!!! BOBO!

Anub’ bayan (The Nerubian Assasin)

Kawawa naman tong hero na to, minsan nasaksihan ko sa paglalaro eh sya pa ung naga-gank, imbis na sya ung ganker… Tong si mokong kasi, dahil sa level 1 Dagon nya, feeling nya may karapatan na sya mag-aggre… Hunt nya daw ung mga mage type sa kabilang team… Pero dahil sa kapalpakan nya, napapa “ANUBAYAN!” o kya “ANUBAYANG STUN NA YN!” ang kanyang mga kakampi! Minsan naman siguro sa pagpa-panic nya, magagamit nya yung vendetta sa creeps, Bwahaha!!! Tanga!! Noob nga talaga… Imbis na patay na ung target, nakakatakbo pa at naliligtas pa ng kakampi. Sa huli, si Anub’ bayan pa ang namatay…D bale batang bobo, isipin mo na lang na pera rin yung na-Vendetta mong creeps. Ayos!

Feed-Lord (Azgalor)

Ito ang hero na nangunguna sa pag-feed sa mga kalaban haha… Di porket malaki hero mo, makunat ka na! Tanga ka ba?! Minsan antapang mang-habol pero dahil sa sobrang laki e naiipit sarili nya sa creeps. Tapos gagamitin pa nya ung expulsion sa lugar na wala namang namamatay na units! Kaya ayun, Hari ng pagfi-feed talaga tong si Feed-Lord!

Gold-Bringer (Lucifer)

Ang herong mayaman at nagpapayaman sa kalaban! Parang walking gold tong hayup na to eh, nang-do-doom ng creeps!! Ano ba naman yan! Ang laki pa naman ng tiwala ko sa doom. Kaso sa creeps ginamit amf. Bobo!

I’m Dying (Dirge)

May Heartstopper Aura at Zombie na naghi-heal s knya, di pa rin makafarm at di makaharass ng kalaban… Anu ba talaga pangarap mo sa buhay koyah? Mahilig sa harap ng clash kasi daw para sulit ang heartstopper nyang skill pero ubod naman ng lambot!! Kaya puro takbo papalayo ang ginagawa nya habang sinisigaw ang pangalan ng hero nya: “I’m Dying, I’m Dying!” Sige pakamatay ka na!!

Bwisit Master (Rexxar)

Ang tangang Mag-wild axe. Habang hinahabol ang hero, sa hero ni-click ang wild axe. Pakshet. Koya naman kasi, ang wild axe lumipad sa tapat ni Rexxar. Hindi talaga tatama sa tapat mong hero yan. Ang ibon at baboy ni BM, kung saan-saan pinapapunta! Mahi-high blood ka pag kasama mo to. Bwisit na kakampi talaga. Wag ka na umasa!!!!

Silly Bear (The Lone Druid)

Hindi porket my bear kang alaga, malakas ka na. E panu kapag ikaw ang nabuhusan ng skill at hindi ung bear? Buti pa ung bear my boots, ikaw wala! Buti pa ung bear makunat, ikaw papel haha… Wag ka umasa sa bear, BOBO!!!

Dagdagan ko na lang kapag may na-encounter akong mga noob sa dota…Di naman sila nauubos eh…sigurado may mga bagong Noob heroes pa.

~KidLightning~
Read More

Tuesday, October 14, 2008

Gatas at Pagkain

Nung nagpunta akong Vietnam, may nakita akong katakam-takam na gatas. Medyo lang nagulantang ako sa pangalan nito. Di ko alam ano ibig sabihin nito sa Vietnam pero sa Pilipinas pag nagbenta ka nito ewan ko lang haha. At take note, ang pagbenta nito ay pares... parang yung totoong (.)(.) talaga.

Photobucket

Nung nagpunta naman akong Singapore (shet trendsetter -- wtf -- ako!), nakakita akong snack na tawag ay Pocky. Meron strawberry at chocolate flavored! At in fairness masarap sya.

Photobucket

Mabebenta kaya tong mga to sa Pinas?
Read More

Monday, October 13, 2008

Ma

This person deserves a post of her own. Isa sya sa mga "rainbows and butterflies" ng buhay ko.

Photobucket
Kasama ang makulet na bunso naming si Bapz

Happy Birthday Ma!!
Labyu!! OXoxoXO
Read More

Flooder sa Prenster!!


Ano ba ang purpose ng Bulletin sa Prenster? Di ba para mag-announce ng mga bagay-bagay o para mag forward ng mga sarbey o mga chain letter? Pag ganun mejo kaya ko pa ma-take eh. Kasi kahit papano, pa-isa isa lang ang pag-post ng bulletin.

Pero may mga epal talaga minsan na nagf-flood ng mga bulletin!! Ampucha, sunod sunod na posts na pare-pareho naman ang laman! Ano yon, pa-pansin?? Kaya kung ikaw e isa sa mga tinutukoy ko, tamaan ka sana!!!
  • Hindi PM ang bulletin!!! PM = Private Messaging, in case tanga ka at di mo alam yun. May link na "Messages" sa upper right ng page at kung may gusto kang sabihin sa isang tao, mag-send ka ng message!! Hindi yung ipopost mo para lahat makabasa nito. Anduwag naman! O baka naman tanga ka lang talaga at di mo alam kung pano gawin to. Wag ka na lang magprenster!!!
  • Hindi dahil fino-flood mo yung bulletin e ibig sabihin nun babasahin ng mga tao yan! Wala kami paki, okay??? Pero nakakainis kasi ang mga gusto naming basahin e nasasapawan ng basura mo. Kaya kung magkakalat ka lang naman, jumebs ka sa banyo!
  • Kung magpopost ka ng maraming maraming beses, siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo dahil sinasayang mo lang oras ng mga "kaibigan" mo sa "social network" mo! Hindi ka syuta ng bayan para pansinin ka ng lahat.
  • Para sa mga nagpopost ng CONSTANT UPDATE sa lablayp nila sa bulletin, pakshet kayo! Hindi lahat chismoso at chismosa at hindi lahat may pakialam sa pathetic lablayp mo. Pakalasing ka na lang o kaya maghanap ka ng tunay na kaibigan! Wag papansin!!
  • Para sa mga nagpopost ng pagkabigo nila sa pag-ibig, idol ko kayo!! Sino ba namang tao ang deliberately ginawang tanga ang sarili. It takes guts men! Kaso wala pa din kami paki kung basted ka o pinagpalit ka, alam na kasi naming tanga ka e.
  • Kung nagpopost ka dahil pakshet ang buhay mo, aba eh pakshet ka rin! Lahat ng tao may pakshet na karanasan, hindi lang ikaw! Magbasa ka ng blog na to, marami kang pakshet na makukuha.
  • Dahil nagpost ka na magpapakamatay ka, di ibig sabihin nun na may pipigil sa yo! Di kami ganun ka tanga para patulan yang pag eemote mo. Kung papakamatay ka, gawin mo naman na may style. Wag yung paka-jologs ka sa prenster bulletin amp.
Read More

Sunday, October 12, 2008

Trashtalker

Kapag ikaw ay isang gamer, lalo na sa multi-player na games, bahagi na ng iyong buhay ang pag-trashtalk. Ano nga ba ang trashtalk? Sabi nung diksyonaryo:
"disparaging, taunting, or boastful comments especially between opponents trying to intimidate each other"
Ohhhhh-kay. Ingles yun, nano-nosebleed ako pakshet. So ano ba talaga ang trashtalk? Ito yung pag kinukupal mo yung kalaban mo para: 1) mainis sya; 2) mapikon sya; 3) maging masaya ang laban; 4) i-bring out mo yung "game" (naks!); 5) wala lang, sadyang pinanganak ka lang na trashtalker.

Kung isa kang online gamer, malamang alam na alam mo to. Wala atang online gamer na hindi marunong mag trashtalk eh. Kung olats ka man mag-trash talk, at least marunong ka pa din. Kelangan mo lang talaga tanggapin na may mas malakas mangupal kesa sa yo. At ang mahalaga dito, dapat di ka nag-eemote kung may nagta-trashtalk sa yo. Kahit saan, talo talaga ang pikon. Kung masyado mo dinidibdib ang pangungupal ng iba, aba eh wag ka na lang maglaro. Alam mo namang kupal ka rin minsan e. Pana-panahon lang yan.

Maraming style ang pag-trashtalk:
The Konyo. Mga inglisero sa gaming world. Minsan tag-lish. Kunwari, "stupid" or "moron" or "a$$hole." Minsan naman ta-trashtalk pero sablay: "Stupid ka noob at looser ka!!!" Ano yun, maluwag??? Minsan naman "didn't you saw my killing spree?" Anakngpatola.. mag-aral ka muna ng grammar mo hijo bago ka mag-ingles.

The Cusser. Ito yung wala na alam sabihin kundi gag0, tanga, bobo, put*ng in* mo, f*ck you, atbp. Marami atang hinanakit sa mundo tong mga to.

The Gay. Eto naman ang hilig magsabi ng "bading ka! bading ka! Bading kaaaa!" Ito yung mga talunan. Dahil asar-talo na sila eh sasabihan nilang bading ang kalaban dahil hindi nila mapatay. Nyahahaha!

The Taunter. Tong mga to mahilig sa asaness, asa ka boy, asa naman tong gag0ng to, hanggang panaginip na lang ang pagkapanalo mo sakin. Yung mga walang magawa kundi mang-asar sa kalaban. Kaso ingat lang mga tsong, pag nang-taunt kayo, siguraduhing may ibubuga kayo kasi baka mapahiya!!

The Superior. Wala na sila ibang sinasabi kundi "WEAK KA!" Kala mo naman anlakas lakas nila. Pero infairness meron naman talaga malalakas eh. Kaso kadalasan yung mga nagsasabi ng WEAK eh sila mismo yung weak, dini-demoralize ata nila yung kalaban.

The Backstabber. Ito yung mga sinisi yung kakampi dahil sa pagkatalo. Kakampi na mismo tina-trashtalk pa wahahaha! Sasabihin nila "tanga kasi kakampi namin noobs!!" o kaya pagbibintangan nila ng "yung kampi namin, benta sa kalaban!" Nagdahilan pa e, tanggapin na lang kasi pagkatalo!
Andami pang style na hindi ko lang maisulat (Sabihan nyo ko pag meron pa kayong alam ah!!). Bottomline is, hindi ka gamer kung hindi ka marunong mag trashtalk. At hindi ka gamer kung ikaw ay pikon.

Note: wala po akong pinapatamaan. Nagsasabi lang ng opinyon. Read More

Pick Up Lines - Dota Style

Nahanap ko ito kung saan-saan at ni-compile ko lang. Yung iba ni-translate ko sa tagalog ang korny kasi pag Ingles. At yung iba pala inimbento ko hahaha. Bat ba puro pag-ibig topic ko lately???

Si Enchantress ka ba? Habang lumalayo ako sayo, mas masakit..
Si Doom ka ba? Pag-anjan ka, mainit paligid ko..
Si Silencer ka ba? Kapag anjan ka, natatahimik ako..
Si Beastmaster ka ba? Maalaga ka kasi...
Si Razor ka ba? Nakukuryente kasi puso ko sayo..
Si Omniknight ka ba? Ikaw ang aking Guardian Angel..
Si Darkterror ka ba? Tumitigil ang mundo ko tuwing kapiling kita..
Si Phantom Lancer ka ba? Sinong pipiliin ko sa inyo?
Si Crystal Maiden ka ba? Kinikilig ako pag kasama ka..
Si Pudge ka ba? Nahuli mo kasi puso ko..
Frozen Throne o World Tree ka ba?? Kapag wala ka na, wala ng dahilan para lumaban pa...

Ikaw lang gumagalaw sa mundo ko.
- Faceless Void

Dudugo ang puso mo kapag lumayo ka sa akin...
- Bloodseeker

Mas lumalakas ata tama ko sa yo...
- Slardar

Bakit ba ako lagi naghahabol sa yo?
- Nerubian Weaver

Handa akong ipagpalit ang aking buhay para sayo.
- Terrorblade

Di mo man ako nakikita, nasa tabi mo lang ako.
- Rikimaru

Di ko hahayaang malayo ka sakin.
- Traxex

Ang pag-ibig ko sa yo parang ako... Undying.
- Dirge

Dahil sau, napapatalon ako sa saya..
- Mirana

Nabubuhay ulit ako para sa yo.
- Leoric

Suicide na ako kapag wala ka.
Kung kinakailangang mamatay ako kasama ka, gagawin ko.
- Techies

Pupuntahan kita kahit saan ka man.
- Furion

Di ako hooker.
- Pudge

I don't want this night to end.
- Balanar

I may be small, but I have a long range.
- Kardel

I don't want to lose you.
- Gondar

I may be tiny, but I can grow, grow, GROW!
- Tiny

Baby, it's just you and me and me and me and me.
- Meepo Read More

Thursday, October 9, 2008

Pag-Ibig

Natawa ako dito sa pinadala ni Sub (self-proclaimed Dota God). Kasi kahit ang jologs basahin at parang walang kwenta, tumatagos din hehehehe. Enjoy!
Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya. Oo nga naman, mahirap yung pa-asa. Marami nagpapakamatay dahil dyan.

Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon. Lalo na mga lalaki, mga weak!

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo. Di ako agree dito. Hindi pwedeng hindi naka-align ang goals ng puso at utak. Mababaliw ka nun.

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba. Huwaw... Tagos talaga to.

Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang. Korek! Ang selfish mo naman pag ganun.

Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na. Bwahahaha!! Sana may matamaan nito!!!

Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kungwalang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin. Kakatamad kasi yung hagdan eh...

Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din. Tama tama!! Agree talaga ako dito! Di na uso yung "maghihintay ako para sa taong para talaga sakin." Eh pano kung nahanap na pala sya ng iba? Dapat maghanap ka rin. Hehehe.

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod naaraw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang. Tama. Ganito dapat mag isip ang mga na-basted.

Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa. Pero kung may "package" na, mahirap na ata humiwalay...

Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang. Sabi ko nga, ganito dapat mag-isip ang mga na-basted.

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila? Ows? Mas sarap nga matulog pag inlab eh kasi nakikita mo yung mahal mo sa panaginip. Pakshet!

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap nasa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka. Hahahaha tagos again!
Read More

Tuesday, October 7, 2008

Love Is Blind

Kamakailan lang, nagkalat yung mga Love Is Blind na mga pictures, kung saan ang isang fretty na gurlaloo ay mayroong bi-ep na mukhang mabait. At nitong huli nga, kumakalat na rin yung pics na may anak na sila.

Anyways, naalala nyo pa ba yung Jaboom Twins? Sila Jaja at Boom-Boom? Gravehh, meron kasi ako nakita na naman sa email na kumakalat na pics na naman na parang Love Is Blind talaga... Di ko lang sure kung si Jaja ba ito or si Boom-Boom (magkamukha kasi sila eh), pero yung bi-ep nya eh... mukha ring mabait.

Paki-click nito para sa mas malaking larawan.
Tenks nga pala kay Marc sa pagpapadala nito.


Gosh. Mukha naman silang masaya eh. Wag na natin pakialaman. Read More

FHM Sexiest - Top Four

Grabe, muntik na ako mahulog sa upuan ko nung nakita ko to. Ang seksi talaga nila pramis! Paki-click po nung FHM log para makita nyo yung picture (baka kasi magulat kayo bawal sya i-post).

Tenks kay BOK sa pag-send sakin ng pic na to! Mwaah!!
Read More

Monday, October 6, 2008

Manyak

Habang naglalakad ako kanina papuntang banko sa may San Miguel Ave. dahil kelangan ko magbayad ng mga ka-utangan ng Tito ko, may nakasalubong akong gago. Biruin mo, mga tatlong hakbang ang layo nya sakin bigla sya sumigaw ng "ang seksi mo naman!" Taena napatingin yung mga tao sa gilid pati na yung mga nasa likod nya (na kaharap ko). Nakakahiya amp!! Buti nga nakapag-side step pa ako kung hindi baka na-jumong na ako at naka-banggaan ko na talaga sya.

Dapat ata ma-flatter ako sa ganito, pero dahil sa init ng sikat ng araw eh uminit din ang ulo ko. Kaya lumingon ako at napa-sigaw ng "ulol, manyak!" Tapos na-isip ko, pucha bat ko ginawa yun. Pano kung habulin ako nito bigla???? Kaya dali-dali akong naglakad papunta sa destinasyon at hindi ako lumingon pabalik hanggang sa makakit ako ng security guard. Naisip ko lang antapang ko pala pero duwag rin sa huli. Shet. Read More

New Blood Language

Kakaiba na talaga ang linguahe ngayon. Dati na-uso yung pagbabaliktad ng mga salita (Yo-Si, Olats, Alaws, etc). Ngayon iba na ang uso. Malalaman mong "IN" ka sa bagong henerasyon pag gumagamit ka nito:
NESS. Ang hilig hilig dugtungan ng mga tao ang kanilang mga sinasabi ng "ness" sa dulo. Ano ba ibig sabihin nun? Ginagawa nyang noun ang isang dapat na verb? Di ba nagiging mali yung sentence nun kasi di na sumusunod sa tamang Noun/subject -> verb -> object of the verb na sequence??? Kunwari: "Ang coolness naman nito." Eh "coolness" is a noun. Dini-describe ng noun ang isa pang noun?? Watdahell! Pag sa mga laro naman, hilig nila sa "AsaNESS ka boy!" o minsan "GGness na po." Ano ver! Tapos pag nagmumura sila, "AMPNESS ka naman eh!!!!" Ang OA naman ng pagmumura nito!!

Me at U. Konyo ba pag sina-substitute mo yung "ako" sa "me", at "ikaw" sa "you"??? Kasi sobrang laganap na yang "Dito na me, where na U??" na yan eh. Alam ko madali ito i-text. Pero pati ba naman sa pagsasalita at sa pagcha-chat??? Haller, ang bilis bilis itype nung "dito na ako" sa chat e. Lalo na pag sinabi mo, mas mabilis. Pero hindeee, feel na feel na talaga ng mga tao pag may "U" or "me" sa sinasabi nila. Kain na me, ligo na me, jebs na me. Taena u!!!

Licious. Ito rin hilig ng mga tao idugtong sa mga salita, pero kadalasan eh sa pangalan nila nilalagay! Jusko naman, feeling mo ba delicious ka?? Lalo na sa prenster, naku dami mo makikita si "Girlicious" or si "Babylicious." Eh pucha pag nakita mo naman sa piktyur daig pa yung taong grasa sa may kanto. Kala siguro nila pag nilagyan mo ng LICIOUS eh "delicious" na agad pumapasok sa isip ng mga tao. Di ba nila alam ang word na MALICIOUS??

Ang Titik W. Kung laganap ang Titik H, humahabol naman ang titik W! JuskoW!! Lagi rin yan nilalagay sa mga salita! Sabi ng mga adik sa chat "ASL mow pow??" Naman naman, kelangan pag binigkas mo yan sumusunod din yung nguso mo sa pag po-POW. Pano pag na-combine mo to sa titik H at sa ME & U, magiging ganito ang usapan nyo:
Tao1: Hellow Pow Koyah, mustah na U?
Tao2: Okay lang me, ditow me sa shop.
Tao1: Ah ganon pow bah, bahay pow me ehh.
Tao2: Kumain nah bah U???
Tao1: Opow, kakaligow ko nga lang pow ehh.
Jusko di ba sumasakit ulo nyo nyan???

BIG-small Style. Bilib ako sa mga taong gumagamit ng style na to. Biruin mo, pinag-tatyagaan nila yung pag-press ng shift key every other letter! Hanep men! Wala ako ganong pasensya. Hindi ko nga ma-gets kung ano ba nagiging epekto pag ginawa mo tong style na to. Mas nagiging cute ba?? So pag i-combine rin to dun sa Titik W, Titik H, at sa Me & U, magiging ganito ang resulta:
Tao1: HeLlOw PoW kOyAh, MuStAh Na U?
Tao2: OkAy LaNg mE, dItOw Me Sa ShOp.
Tao1: Ah GaNoN pOw BaH, bAhAy PoW mE eHh.
Tao2: KuMaIn NaH bAh U???
Tao1: OpOw, KaKaLiGoW kO nGa LaNg PoW eHh.
Pakshet, di kaya tayo pagalitan ng mga experts sa English Language at rhetoric nyan???? Read More

Sunday, October 5, 2008

Dota Bloopers

Sa dalas ng paglalaro sa GG ngayong mga araw na to, paminsan-minsan nakakahanap ako ng mga "rare moments" na sobrang ULOL -- Ultimate LOL (Laugh Out Loud). Gravehh, as in nakaka-loka sya ha. May mga katangahan rin minsan, lalo na pag yung kalaro mo eh medyo baguhan pa lang. Eto sana mag-enjoy kayo sa dota bloopers na to.
Ang Sandstorm. Pagtapos ng cooldown ng heroes, naisip ko agad na pwede ako magkalat. XXXXX has chosen Sand King. Hanep! Malamang masisindak ang mga kakampi nito, so pinili ko na lang si Medusa. Tapos nag-mid ako, habang si SK eh nasa baba nakikipaglaban. Nung mga bandang lvl 6 na kami, ayun pumunta si Sk sa gitna, sa isip ko "ayus makaka persblad kami nito." So todo-aggre na ako ngayon, isang stun lang at tuloy tuloy na ang ligaya namin, deds na sigurado yun. Sneaky pa tong SK namin, pa-simple sa may gilid. Tuwang tuwa naman ako kasi sureball persblad to. Nung nasa gitna na ng river yung kalaban, gumitna rin si SK! Sa isip ko, baka gusto nya i-purge ko muna. So pinurge ko na at tinira tira! At si SK, akalain nyo... biglang nag Sandstorm!!! Anak ng tipaklong naman! Di man lang nag-impale nung patakbo na yung kalaban! Pero sige, okay lang. Baka nawala sya sa tyempo.

Nung nasa tower na kami at nagde-def, tinitira na nung kalaban yung tower! Pakshet! Pero sige, ok lang andun naman kami ni SK. Tapos, bigla syang nag-impale sa kalaban! Ayus deds na tong kalaban, may tower kami eh! Kaso tong si SK biglang nag sandstorm na naman!! Ano ba namang kaadikan sa sandstorm yan! Sandstorm lang ata yung nilearn nitong mamang to eh! Naman eh! Olats tuloy! Sana lang wag na mag-SK si koya!!

Amazing Race. Pagtapos na pagtapos ng cooldown sa heroes, XXXXX has chosen Twin Headed Dragon. Wow, mukhang alam nito gamitin si Jakiro ah. Pero nakakapagtaka, umalis na agad ng base ng wala man lang biniling gamit! Whoa, baka gusto nya bumili ng Void Stone agad sa secret shop. But no! Ang lolo nyo bigla na lang dumerecho lampas sa river! Waaah! At tinira tira na sya ng tower! Anong kalokohan ito!??? Sa kabutihang palad, nabuhay sya (holy karabaw talaga!). Kaso ayaw pa rin mag-back ng mokong! Dumerecho hanggang sa 2nd tower! Anak ng tokwa naman o! Yun namatay na sya talaga.

Nung nabuhay na sya, sino ba mag-aakala. Dumerecho na naman sa 1st tower si Jakiro!!! Waaah! Record breaking 34 deaths sa buong laro. Ito ang classic example ng hardcore NEWBIE.

Blink Prophet. Isa sa mga skill ni Furion eh yung instant teleportation churvaness nya. At to any part of the map pa ha. So eto namang si tanga, skill spam ng teleport. Kala mo ngayon lang nakagamit ng skill na to. Nung nag-clash na, bigla ba naman nag-teleport! Alam nyo kung saan? Sa gilid nya rin lang! Antanga naman ginawang blink yung teleport! Yan tuloy nung kelangan na talaga mag-teleport, naka-cooldown na yung skill nya at namatay. Buti nga!

Stuck. Anlabo nung Mirana nung isang game namin. Natatalo na kasi sila (Sentinel sila nun) at hanggang Fountain na lang, hindi na makalabas sa sobrang lakas ng kalaban (kami yun pakshet!!). Eh biglang nang-harass pa yung kampi namin na si Nevermore hanggang dun sa Fountain. Natakot bigla si Mirana! Nag-panic! At nag-LEAP! Dyan sa part ng map na tinuturo ko sa piktyur. Nyahahaha, na-stuck tuloy ang lola nyo!


Suicide. Tong si Koya, pagpili nya ng hero, Centaur Warchief. Naks ayus, may tanker na kami! Kaso, hindi ata alam ni koya na ang skill ni Bradwarden na Double Edge eh "damages both the Warchief and the enemy unit." Kasi sa bawat clash, lagi na lang nagpapakamatay!! Buti sana kung may napapatay rin syang iba, pero hindeee! Kala nya siguro sya si Techies. Sa sunod po, basahin po muna yung skill description, i-scroll over nyo lang po yung mouse nyo dun sa image para makita yung skill ha?

Lifestealer Witch. Gulat na gulat ako nung makita ko yung build nung isa kong nakalaro kay Witch Doctor. Mask of Death!! Whoa! First time ko makakita ng lifesteal sa isang int hero, lalo na kay Witch Doctor! Nyahahaha, sori ha pero natawa talaga ako sa build nyang to!

Inutil. Si koya talaga, ultimate newbie! Grabeeh, ang aggre masyado mag-Yurnero! Kahit sabihan mong "B na, B na" wa-epek sa kanya! Yun pala, hindi nya alam ano ibig sabihin ng B!! Waaaah. At nung sinabihan sya na "wag ka lalampas ng river!!!" kala namin pasaway lang talaga sya kasi lumalagpas pa rin sya. Pero o hindi! Hindi pala nya alam kung ano yung river!! Huhuhuhu!! At etong si koya rin, nung sinabihan na sya na mag-Back (yan, hindi na B para ma-gets na nya) kasi may kalaban malapit sa kanya sa minimap, NR lang! Yun pala di nya alam na yung nasa leftmost lowermost part ng screen eh yung Minimap... Naman naman!!
Pag may alam pa kayong bloopers, kwento nyo lang sakin! Hehehehe. Para may pagtawanan naman tayo paminsan minsan. Kasi tayo rin nagkakamali rin di ba? :D Read More

Saturday, October 4, 2008

Buhay Adik

Ang hirap ng buhay ng isang adik. May mga bagay kang isinasakripisyo para lang sa bagay na iyong kinaka-adikan. Ipinagpapalit mo ang gimik, pagkain, tulog, trabaho, pag-aaral, at kung-anu ano pa para lang sa addiction mo. Minsan din, may mga tao ka rin nate-take for granted. Hindi mo na pinapansin mga magulang mo, mga kaibigan, boypren/gelpren mo, pamilya mo, at mga taong malapit sa yo.

At dahil dito, unti-unti kang nagiging miserable. Nawawalan ng kaibigan, pumapayat, nawawalan ng gana sa trabaho o pag-aaral, o nawawalan ng social life. Pero ang masaklap nito, eh OKAY LANG sa yo. Baket? Dahil nasa-satisfy pa rin yung kaadikan mo. Adik ka nga eh.

Dati nung bata ako ang adik ko sa stationery. Ito yung mga papel papel na may pabango, may mga pictures, at usually ginagamit sa pagsulat ng lab-letter sa nililigawan. Tuwing hapon nagkikita kami ng mga kalaro ko para mag-barter. At yung baon ko na limang piso bawat araw eh di ko ginagastos para lang makabili nito.

Nung high school naman na-adik ako sa MIRC chat at nagpupuyat para lang makipag-ASL at magkunwaring makipagmeet at wala naman talaga balak na gawin un. Tas nung college naadik ako sa Ragnarok at grabeh... Pumayat ako ng sobra haha. Dun ko natutunan maglandi at mang-agaw ng boypren para lang makakuha ng mga gamits hahaha. Naubos ang pera ko (siguro kung makita nyo yung koleksyon ko ng Level up cards eh di nyo maisip na nagamit ko lahat un), at nawalan ako ng oras sa pagtulog, pag-aaral, at ang loser ko wala akong lablayp! Although, dahil sa paglalarong yun, nakilala ko ang isang taong nagpabago ng buhay ko (naks), at nagkaron ako ng maraming kaibigan =3

In the end, naka-get over naman ako sa mga addictions na yun. Pero ngayon... may prospect addiction na naman akong nakikita... at sana hindi na ako malulong pa dito. Kaso... sabi nga ni Yuhenyo, "it's in your blood." Napaka-hirap tanggihan... isang kalabit lang, nanlalambot agad ang tuhod ko at bibigay na agad ako... nitong linggong ito, 2x akong natulog ng alas-sais ng umaga dahil dito... and i just can't get enough. Demet.

Hirap ng buhay adik talaga. Read More