Monday, December 15, 2008

Utot

Sa lahat ng lugar na pwedeng umutot, pinakamasaklap na ata ang sa elevator. Una, walang space na pwedeng umalingawngaw ang utot. Pangalawa, walang hangin na pwedeng mag-neutralize sa amoy ng utot. At pangatlo, maaamoy ng lahat ng tao sa loob ng elevator.

Ayon sa nabasa ko dati, ang isang tao ay umuutot ng 34 - 38 na beses sa isang araw: minsan di nila alam, minsan di mapigilan, at minsan sinasadya talaga.

Pero bakit ganun. Hindi nyo ba napapansin na mas malakas ang tendency mong umutot kung nasa elevator ka kaysa kung hindi? Ito yung klase ng utot na hindi mo inaasahan, bigla na lang lumalabas. Swerte mo lang kung may tunog yung utot mo, at least pag ganun walang amoy. Pero pag yung silent-but-deadly na tipo ng utot, naku ang malas mo naman at ng mga tao sa paligid mo!

Ang tanong ngayon, ano ang mas nakakahiya pag nasa elevator ka? Ang utot na may tunog o wala? Kung may tunog, mahirap lusutan ito. Mapapahiya ka talaga e. Pero pag yung walang tunog, madali lang deskartehan yan. Magkunwari kang ikaw yung biktima! Hehehe. Kunwari takpan mo yung ilong mo at magmukha kang inis. At mag-pat pat ka ng paa mo na parang nagmamadaling maka-alis. O di ba, di nila malalaman na ikaw pala talaga yung umutot!

Sana tamaan yung nakasabay ko kanina!! Kasi naman tatlo lang kami sa elevator tas may amoy utot, tas yung isa dun di mapakali at nagtatakip ng ilong! In fairness naman hindi ako yung umutot pero di ko na lang pinansin, pinapanalangin ko na lang na maka-baba na agad. Yung isa talaga ang OA eh, may pa-roll roll pa sya ng mata nya. As if no!

No comments:

Post a Comment