Thursday, December 18, 2008

Twilight Dito, Twilight Doon

Grabe, sobrang hype talaga lately itong Twilight series na ito. Hindi ko pa nababasa ang book so wala akong karapatan para magbatikos nito. Pero sa aking opinyon, OA na talaga ang pagka-adik ng mga tao dito ha. Masyado na silang nilulunod ng marketing, at nagpapa-lunod naman sila sa lahat ng media hype na yan. Yung movie hindi ko nagustuhan. It's the same teeny-bopper love story na nabasa ko noong Sweet Valley High days ko. I don't know kung pareho ito sa book, pero tinatamad na akong basahin ito dahil sa movie.

Anyways, may nakita akong post sa bulletin board sa friendster ni pareng Nico, at ipopost ko lang kasi natuwa ako. Pareho kami ng sentimiyento hehehehe.
So. Kailangan lahat ng tao, baliw sa Twilight?
Kailangan pag naglalakad ka, hawak mo yung Twilight book, at dapat, nakaharap yung front cover at nababasa yung "Twilight" para makita.
Kailangan habang naglalakad ka, nagbabasa ka rin ng Twilight?
Kailangan, hanggang bus, nagbabasa ka ng Twilight?
Kailangan, kahit nagkakanda-dapa ka na sa LRT dahil naaout of balance ka na, basa ka pa rin ng Twilight?
Kailangan, kahit ang init-init sa FX, kahit nagkakandahilo-hilo ka na, magbabasa ka parin.
Kailangan, sinasabi mong "Nahihilo nako.", kahit basa ka parin ng basa ng Twilight.
Nagbabasa ka nga ba talaga ng Twilight?
Kailangan pag dadaan ka sa National, tapos mapapadaan ka sa section ng Stephenie Meyer books, kailangan magmuka kang excited at sisigaw ka pa, "SHOCKS TWILIGHT!" Kahit na alam na alam na ng buong mundo na oo, may librong Twilight dun.
Kailangan wallpaper mo sa desktop, Twilight?
Kailangan profile mo sa cellphone: (name mo) Cullen?
Kailangan, status/shout out/page title mo, "When you can live forever, what do you live for?"
Kailangan, itanong mo rin yang tanong na yan na galing sa Twilight sa friends mo?
Kailangan, red, white, at black?
Kailangan, i-blog na malapit na ipalabas ang Twilight?
Kailangan, mag-GM at iannounce na malapit na ipalabas ang Twilight?
Kailangan, magstatus ka na "I love Twilight"?
Kailangan, lahat ng soundtracks ilalagay mo sa multiply mo?
Baka mamaya, may Twilight backpacks na.
Twilight lunchbox. Twilight sando, baka gusto nyo rin.
Kailangan may Twilight Ice Cream? Baka susunod, Twilight Cornic meron na. Twilight Mixed Nuts, baka gusto nyo rin gumawa. Twilight Bawang, pwede rin.
Twilight toothpaste, gawa na rin kayo. Twilight toothbrush, Twilight shampoo, Twilight soap! HAHAHA.
SO. Kailangan talaga, Twilight?
Hehehe! Swak! Pasensya na sa mga Twilight fans ha!! Di po ako nagsulat nyan, pero pareho kami ng sentimyento!!

1 comment:

  1. hi, i've reposted this in here.. i included a return link to your post so no worries..

    http://andr31.multiply.com/journal/item/13/my_sentiments_exactly_-.-

    ReplyDelete