Thursday, December 4, 2008

Sugarfree Live

Nalaman ko na may album silang Live kasama ang Manila Symphony Orchestra dahil kay Norms (salamat talaga!!!!). Grabe... wala akong masabi. Hands down, astig. Basahin nyo na lang ang review ni Norms sa kanyang blog. Worth it sya, lalo na talaga yung Prom. Parang gusto mong bumalik sa pagka-hay skul nyahahaha! At yung Tulog na... at yung Kwarto... Nakaka-addict ang tunog.

At astig kinanta nila ang Still Fighting It ng Ben Folds Five!!! Wah gusto ko tong kantang to eh... Wala, hulog na hulog na ako sa album na ito hehehe. "Everybody knows, it hurts to grow up... Let me tell you what The years go on and Were still fighting it..." Wahhh!

Astig talaga Sugafree!! Nakakalambot ng tuhod pakshet lalo na pag kinantahan ka ng ganito:
nalalasing sa iyong tingin di malaman laman ang gagawin
habang lumalamim ang gabi ay lumalapit ang ating mga labi

ito na ang gabing di malilimutan ... tayo'y naglakad ng dahan-dahan

parang atin ang gabi
para bang wala tayong katabi
at tayo'y sumayaw
na parang di na tayo bibitaw

matapos man ang sayaw, pangakong di ka bibitaw...
Tapos eto pa isa pang nakaka-tunaw:
Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
pag-ibig ko ay totoo
ako ang iyong bangka, kung magalit man
ang alon, ng panahon, sabay tayong aahon

Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Di kita bibitawan

Wag kang umiyak, mahaba man ang araw
uuwi ka sa yakap ko
wag mo nang damdamin kung wala ako sayong tabi
iiwan kong puso ko sa yo
at kung pakiramdam mo’y wala ka nang kakampi
isipin mo ako dahil puso’t isip ko’y
nasa yong tabi

…di kita pababayaan
Haaay... Nakaka-high!

No comments:

Post a Comment