Tuesday, December 2, 2008

Pinoy Names

Isa sa mga hilig ng Pinoy ay ang pag-ngalan ng kanilang anak based sa combination ng pangalan ng Nanay at Tatay. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ito, pero ito ata ang uso dati eh, lalo na sa probinsya. Yung tipong kahit hindi talaga mag-tugma, pinipilit makagawa ng panibago at karumal-dumal na pangalan para lang ma-combine ang pangalan ni nanay at ni tatay. Okay lang naman kasi minsan eh, lalo na kapag maganda yung kinalabasan. Pero minsan kasi talaga, kawawa yung mga anak e. Buong buhay nyang dadalhin yang pangalan na yan.

Eto ang ilan sa mga combined names na narinig ko na (karamihan dito kamag-anak ko nyahahaha!):
Mark + Tessy = Maritess
Reymond + Leah = Reyah
Rustom + Marie = Romar
Diosy + Analyn = Dionalyn
Ramon + Mising = Mira and Ramir
Ronald + Joanne = Jonald
Florante + Thelma = Florythel
John + Rosemarie = Jhonarie
Jessie + Merlyn = Jesmer (omg!)
Jerry + Pressy = Jerpre (wtf!)
Monggo + Ging-ging = Mong-ging (wtf!!)
Andami pa dyan, di ko lang maalala yung iba haha. Kung may alam kayo, lalo na yung kakaiba, paki-post naman dito!!

10 comments:

  1. Constancia + Dominador = Condom

    ReplyDelete
  2. wui

    maganda kinalabasan ng combination ng pangalan ko ha...hahaha -vjers

    ReplyDelete
  3. ano ba real name mo vjer??? Alam ko lang VER eh hahahaha.

    ReplyDelete
  4. lol...check mo Address Book...hahahahaha

    RE: names, alam mo bang ang trend ng naming convention nung 80s ay combination ng pangalan ng nanay at tatay. check mo mga kakilala mo na pinanganak mula early 80s to late 80s. and yes, karamihan mga taga-probinsya. at isa pa, may sinasabi yung mga matatanda na ang pangalan ay halaw raw sa kalendaryo (trend din noong late 70s to early 80s naman)...hehehe

    -vjers

    ReplyDelete
  5. Ahaha, biktima ako ng ganitong 'tradition' sa pagpapangalan.

    Kilala ako ng lahat sa pangalan na Nero pero ang real name ko ay Llamar. Pinagsamang Willam pati Mary, wiLLAMARy. XD

    ReplyDelete
  6. Purificacion and quirino = bwahaha.
    Pacifica and Nestor = hehehe

    ReplyDelete
  7. Di ko na-gets si pacifica and nestor... pacificator?

    ReplyDelete
  8. ako sasagot kung ano real name ni ver.

    Leoniver Santiago!!!

    hahahaha

    d mo ako kilala ver!

    ReplyDelete