Monday, December 22, 2008

Pagsapit ng Pasko...

Ang tindi talaga ng pasko. Pagdating ng Disyembre, asahan mo na nagpapanic na lahat ng tao sa pagsho-shopping, pag-grocery, pag-gift wrap, pag-attend ng xmas parties, at kung anu-ano pa. Pumepetiks na ang mga tao at wala na sa trabaho ang utak dahil bakasyon at pahinga na lang ang iniisip. At higit sa lahat, sa pasko maraming pera dahil dito may mga bonus, may mga give-aways, at may mga regalo.

Haller... totoo siguro yun nung bata ka pa. Yung pag pasko feeling mo ang yaman yaman mo talaga. Kasi nung bata ka pa at nag-aaral, pagdating ng pasukan, andaming bago sa yo: bagong damit, sapatos, gamit sa skul, selpon, at iba pa. Andaming katas ng pasko.

Pero ngayong nagtatrabaho ka na, iba na ang sitwasyon. Oo may mga bonus ka at may mga giveaways, ang gastos mo naman 2x ng kung anong meron ka. Dahil ang mentality mo ay may pera ka, sige hala gastos dito gastos doon. At masaklap pa nito, minsan napapa-aga ang bigay ng mga bonus na yan kaya pagdating ng pasko at bagong taon, wa fera ka na! Ang saklap talaga ng buhay!

Buti na lang kami hindi pa binibigay sa amin ang gift certificates (pakshet!!!). Blessing in disguise ba ito? At least may pang-gastos pa pagdating ng Myerkules nyahahaha!

Pag pasko andami mong pera. Pero pag pasko, pinakamabilis rin mawala ang pera.
Pakshet!!

No comments:

Post a Comment