Wednesday, December 17, 2008

It's The Holidays!

Grabe, 8 days na lang pasko na!! Nakaka-excite di ba? Sa mga panahong ito, tinatamad na lahat ng mga empleyado mag-trabaho dahil nasa-isip na nila ay ang bakasyon at pahinga. Isa ako sa mga empleyadong ito. Siguro nitong linggo, nag-drop ng 50% ang aking productivity dahil tamad na tamad na ako at gusto ko na matapos ang linggong ito para bakasyon na! Kayo, ganun din ba?

Isa sa mga napapansin ko tuwing pasko, andami-daming mapagsamantala! Gaya ng sabi ko, ang mga empleyado gagawin nilang rason ang "christmas spirit" para pumetiks. Syempre, ang mga boss nila ganun din. Pagbibigyan ang empleyado dahil sya mismo ganun din (sana boss ko rin ganun, kaso hindeee!!!).

Ang mga traffic enforcer ng MMDA, jusko hindi makatarungan ang pag-huli ng mga drayber! Kahit hindi ka "beating the red light," gagawin nilang "beating the red light" ka nga para lang makakuha sila ng munting regalo galing sa yo. Tapos minsan napaka-garapal pa manghingi! Naalala ko dati, nahuli ako sa may Makati, tapos wala akong maibigay na pera. Aba hiningi yung relos ko! Para daw sa anak. Amp!

Isa pang mapagsamantala ngayong pasko ay ang mga pulubi sa daan. Yung pulubi sa Guadalupe Station ng MRT, bawat pasko lang sya andun. Any other time of the year, wala na sya. At isa pa nakakainis sa kanila, Dudumugin ka nila, at manghihingi ng regalo kasi sasabihin nila pasko naman! May karapatan silang manghingi more than ever! Tapos pag binigyan mo ang isa, lahat sila susugurin ka na rin. Minsan wag ka na lang magbigay e, kahit gusto mo man, kasi inaabuso nila.

At higit sa lahat, pinaka-mapagsamantala ay ang mga taxi driver!!! AMP!!! Porket "Christmas shopping rush" ang mga tao, inaabuso nila sa pagsingil ng napaka-mahal na pamasahe! Hindi na sila minsan nagme-metro at kinokontrata na lang ang mga pasahero (tanga naman kasi ang mga pasahero, pagod na kaka-shopping kaya kahit ano kakagat na sila). Kagabi may nasakyan akong taxi, pagpasok ko sabi ko "Guadalupe." Tas bigla ba naman bumanat "ay sus mam pauwi na ako QC." Eh ogags pala to, sana di na lang sya pumila dun sa taxi stand. Syempre uminit ang ulo ng lola nyo, mahigit isang oras akong naghihintay dun tapos susupalpalin nya ako ng ganun? Pakshet sya. Sabi ko na lang "Malapit lang yun, pagbaba ng tulay. Yung metro po." Ni-remind ko sya na i-on nya yung metro. Aba bumanat si manong ng "kayo na po bahala." T*ena naman, lalong uminit ulo ko. Sa sobrang init ng ulo ko, sinampal ko na sana yung driver kung hindi lang alanganin yung posisyon ko eh (nasa likod ako tsk!). Kaso pagod na rin ako, at sa isip ko kukuriputin ko na lang kasi sabi nya ako daw bahala e. Nung nakarating na ng bahay, naghanda ako ng 80php (note: hindi ko na kinuripot, naawa na ako kasi pasko naman). Pero bumanat pa tong si manong ng "baka po gusto nyo dagdagan." Ang kupal naman nito! Di na ako umimik, inabot ko ang bayad habang tinitingnan ko sya ng masakit. Bahala sya, manigas sya sa otchenta pesos ko. Pagbaba ko, di ko sinarhan yung pinto (yan ang advice na nakuha ko kay Almer). Na-hassle pa sya pagsara nito bwahaha! Sana karmahin yung mga taong ganun amp!

1 comment:

  1. Nung kelan lang nahuli ako sa Ayala. First time ko mahuli ever. Christmas season. Hahaha

    Ingat din. Christmas season = holdap season. Proven na yan.

    ReplyDelete