Thursday, December 11, 2008

Godlike

Ang kulet ng nakalaro ko kagabi. Buti na lang talaga naglaro ako! Hehehe.

Antok na antok na ako nun, kaso pm si Mega, pm si Eps, pm si Yubs. Laro daw ako kasi kulang. Okay fine, laro na lang ako. Ang hirap talaga ng masyadong in-demand. Hehe joke. Anyways, SPRD pa yung mode at hindi ko alam (kala ko lang -sp), at nung turn ko na para mag-pick ng hero, sakto naman sumasaglit ako ng tulog. Ayun! Napunta pa sakin ang hero na d ko alam gamitin (si Atropos! Huhu!). Oh well, papel. Ganun talaga, minsan malas.

Pero pinakamalaking malas siguro ang makampi ko ang isang Godlike. Grabe... sa sobrang galing nya, wala akong masabi. Nawala ang antok ko haha! Eto ilan sa mga unforgettable moments namin:
  • Ka-lane ko sya, at Morphling sya. Naka-auto follow sakin ampness! Hahaha. Di man lang nagla-last wtf!
  • Sabi sya ng sabi na "sama-sama muna!" tas tele naman ng tele para mag-def. Anlabo naman!
  • Sinabihan akong tanga. Bwahahaha ito pinaka-memorable sa lahat! Na-Fiend's grip ko si drow, tapos nag-wave agad tong si loko!!! Tapos sinisi pa ako na "di man lang lumapit sa kalaban tanga!" Hahaha. Hijo, alam mo ba yung tinatawag na skill ng hero? Yun kasi ginamit ko eh.
  • Paulit ulit na sinasabi sa kanya ang build nya kay troll: Dominator + Vlad but no Treads. Hanep!!
  • Sinabihan kami ni yubs ng Shut Up. Bwahahaha! Di na matiis ang pang-aasar.
Yun lang, nagising ako sa ganun hehehe. Sarap talaga mang-asar! Lalo na pag Godlike ang kalaban mo!

No comments:

Post a Comment