Tuesday, December 23, 2008

Dota o BF?

Nag-post ako dati kung alin ang pipiliin mo: Dota o GF na ini-forward sa akin ng mga friendly friends ko. Ito naman ngayon ang aking sagot, at ito ay hango sa aking puso't isipan. Amp na dota yan!
Buti pa ang BF pag nagtampo, lambingin mo lang ng konti, sweet na ulet sa yo.
Ang Dota pag nagtampo, buong gabi kang hindi mananalo. Amp!

Buti pa ang BF, hindi ka natatalo sa kahit anong argumento.
Ang Dota minsan panalo, minsan talo.

Buti pa ang BF, pag may tanga, sasabayan ka sa pagtawa.
Ang Dota pag may tanga, nahaha-high blood ka.

Buti pa ang BF pag sinabayan mo ng pag-kain, sinasabayan ka rin.
Ang Dota pag sinabayan mo ng pagkakain, natatalo ka dahil nawawala sa coordination ang iyong kamay.

Buti pa ang BF ginigising ka sa umaga para hindi ka ma-late.
Ang Dota ang dahilan kung bakit ka nale-late.
Ang tanong, bat pa ba ako nagdo-dota?

No comments:

Post a Comment