Tuesday, December 9, 2008

Dota, Dota, Dota!

Eto na naman ako magsusulat tungkol sa Dota. Marami kasi continuation yung mga storya ko eh, kaso pa-konti konti na lang kaya hindi ko maisulat ng isang bagsakan. Kaya eto, pagtagpi-tagpiin ko na lang para sa inyong enjoyment!

Dota Names. Ito ang continuation ng Dota Names na isinulat ko nung isang linggo. Kasi ba naman, nung isang gabi lang may nay nakalaro na naman kaming... Hanep mag-isip ng pangalan!! Tingnan nyo na lang:

Photobucket
Magkakampi pa sila in fairness!

Dota Quitters Lines. Ito naman ang Part 3 ng isinulat kong Part 1 at Part 2. Ito ang karaniwang sinasabi nila pag natatalo na sila:
Magkaka-shop kayo eh!!!
May golay naman, kung magkaka-shop kami eh bat pa kami nag-GG? Naghanap na lang kami ng hamon sa mga taga-shop mismo. Dahil magkaka-kilala kami online eh di ibig sabihin nun magkaka-shop kami. At di dahil nagugulpi kayo e magkasama na kaming naglalaro. Ano ver.

SS Boy!! Asa ka sa SS!!
(Note: SS = Super skill? Tama ba?) Anyway, ano bang klaseng palusot na naman to? Sinabi kasi ito ni Magina kay Faceless Void. Ano ba, kaya nga nilagyan ng Skill para gamitin. Nag-dota ka pa kung gusto mo palu-an lang.
Dota Bloopers. Ito naman ang continuation ng una kong Bloopers. Hehe enjoy!
Axe the Magi. Anlupet nung isang Axe na nakalaro namin. Sabi nya pa nga "wala pong galingan ah, noobs lang." In fairness, honest nga sya! Akalain mo ba naman kasi, ang starting items nya kay Axe ay... Clarity Potion, Robe of the Magi, Ring of Regen. OMG! Ginawang int si Axe... Para saan kaya yung Clarity potion? Berserker's Call all the way? Hehehe.

Spectre the Spectator. Lakas ng loob ko nung ginamit ko to, kasi alam ko meron syang parang teleport e, pag ginamit nya instantly mate-teleport ka dun sa tabi ng kalaban kung saan mo gusto. Kaso ang noobs ko naman, di ko alam pano gawin!! Nung clash na, conpident pa ako sa sinabi kong "sige haunt na lang ako dyan." Pagka-haunt ko, nagkaron nga ng kopya sa tabi ng bawat kalaban, pero waw bat ganun di ako umalis sa pwesto ko? Sabi tuloy ng kasama ko "O, kala ko ba mag ha-haunt ka dun?" Tas sabi ko, "Nag-haunt naman ako a. Pero di ako umalis e." Yun pala may i-cclick ka pa pala (R for Reality) para ma-tele ka dun sa pwestong gusto mo. Antanga naman!

Obsidian's Offering. Kaka-start pa lang maglaro nitong kakilala ko at wala pa sya alam sa laro. Pagkapili ng hero, aba pinili nya agad si Obsidian Destroyer! Waw, siguro may alam sya sa hero na ito. Pero nung kalagitnaan ng laban, nagtataka kami bat hindi nya ginagamit skills nya. Yun pala, hindi nya alam na sa bawat level up ay pwedeng i-level ang skills!! OMG! At alam nyo ba anong item ang first nyang binili? Vladimir's Offering recipe... Para saan kaya yun? Wahahaha. Naku kelangan pa turuan ito!

Six-pack SandKing. Baguhan pa lang din itong si Koyah sa laro at ginamit nya si SK. Syempre, di nya alam mga gamits na kailangan, at hula-hula pa sya. Pero ang pinaka-kakaiba sa item build nya, bumili sya agad ng Power Treads recipe! As in recipe lang! Sinabihan namin sya na kailangan nya muna bilhin yung "Requirements" para maka-buo nun, pero wa epek eh. Pinaka-nakakagulat sa lahat, hindi lang isa ang binili nyang Treads recipe.. kundi anim! ANIM!! Nung tinanong sya kung bakit anim binili nya, ang sabi nya "Kasi maraming paa si SandKing e." Amp!

2 comments:

  1. Wahaha! Ang dami kong tawa dito sir! Lalo na yung Vladimir, saka yung Threads! Eh anim nga naman kasi eh! haha! Nice! Keep up the good work!

    Sanyo Seiki

    ReplyDelete
  2. Haha salamat sa pagbabasa at pagbisita! nag-iipon pa ulit ako ng bloopers, kaso ang gagaling na ng mga tao ngayon halos wala na! bisita ka ulet ah? hehe!

    ReplyDelete