Thursday, November 6, 2008

A Loser's Xmas Tree

Pasko na. At ito ang itsura ng aking Christmas Tree sa bahay:

Photobucket
Matapos kong malaman na may possibility na hindi ako magkaka-Business trip sa US ngayong taon, naisip ko ang dalawang bagay. Una, hindi ako magpapasko kasama ang aking pamilya dahil sila Tatay, Mama, Tonne at Bapu ay nasa US na lahat. Pangalawa, magpapasko akong mag-isa. Pakshet.

Nalungkot naman ako bigla. Naisip ko, ito ang perstaym na magpapasko akong hindi kasama ang aking pamilya at alam kong hindi ako magiging masaya sa ganito. Oo, marami ako kaibigan, at andyan naman si Fafa na pwede akong isama sa pasko nila. Pero iba pa rin kapag pamilya mo ang kasama mo. Iba yung sense of security, yung innocence, yung pagiging carefree na nararamdaman mo kapag kasama mo sila. Para bang wala kang problema kasi may mga magulang ka na namo-mroblema para sa yo. Para bang bata ka pa din...

At dahil sa matinding kalungkutan na naramdaman ko, bigla akong napabili ng xmas tree na yan at gumastos ng di-oras. Pasensya na, lahat ng kabaklaan ko ay ibinuhos ko sa pekeng kahoy na yan.

Isa lang ang solusyon sa mga ganito. Dota.

No comments:

Post a Comment