Monday, November 24, 2008

Kailangan Pa Bang Magpaalam Para Manligaw?

Hindi ako naniniwala sa "panliligaw" pero since ito ang uso sa Pinas, ito ang kadalasang ginagawa ng mga tao. Kung ikaw ang lalaki at may balak kang ligawan ang isang babae, magpapaalam ka pa ba na manliligaw ka?

Itinanong ko rin ito dati sa Oracle Boards at karamihan sa sagot nila ay isang malaking HINDI. Pero meron namang iba na hati yung sagot, at ang iba naman may mga explanation pa. Eto ang ilan sa mga memorable na mga sagot:
"tingin ko wag na. bat ka pa magpapaalam? kung ayaw ng babae sa yo babastedin ka agad nun." - Pats

"di na nid, gawin na lang agad!" - Carm

"me problema kc, pano kung mamisinterpret k nung girl na friend lng ang habol mo? kc db dyahe din sa girl na tanungin sya ung guy kung nanliligaw sya? pano kung sbihin nung guy na hindi, edi phiya ung girl hehe.

isa pa kung pangit ung guy, hindi type nung girl, tpos kala nung girl nanliligaw pero friends lng ang habol nung guy. tpos binasted/nasabihan na lumayo/iniiwasan n nya ung guy. edi ang pangit tingnan nmn, prang ansungit/mataray ung girl nun.

pero d ko alam. cguro nasa timing lng ung pgsasabi/pgpapaalam eh"
- Marc (hanep sagot mo a!)

"Prerogative na ng kahit sinong lalaki ang panliligaw. D na nya kelangan pa ng paalam." - Yuber

"Wag na mg paalam kc baka bka lalong dumami limits mo" - Ralph

"tingin ko just go on with the flow...
kung tingin mow nid pa magpaalam eh di magpaalam...
or kng di na e di PUSH!" - Yojimbo

"i think its ok na magpaalam...pero wag mong sabihing ganon...parang ang saklap pakinggan...ewan ko ba...ako kasi ganon ginawa ko eh...yun tuloy medyo nailang yung girl sa kin... pero sa totoo lang kung manliligaw ka, eh IPAKITA mo sa babae na iyong napupusuan ang nais mo. ipahayag mo ang iyong nadadama in a way na madadama nya na gusto mo sya pero never ever say na manliligaw ka. bakit? pag nailang ang babae dahil sinabi mo yun...di mo sya makakausap ng tulad sa dati... mararamdaman mo na lang na parang lumalayo na sya...pero ang totoo eh nahihiya pala sya sa yo. mahirap yung ganon. masakit. hehe.

to sum it all up... i'd say NO."
- Dren

"hindi na unang una pano kng magpaalam ka tpos bgla sbhn sau nung gurl eh ayaw nia e d tpos tpos ka agad ni hindi ka man lng napagbgyan d ba???

gnto lng un eh...tell mo str8 up sa gurl abt ur feelings then go na wala ng preno preno pa after dat do the things u usually do kapag nanliligaw ka MANHID na lng ang babae kng d nia malman kng nanliligaw ba ung guy or hindi d ba??

sbhn na naten na me guys na d marunong manligaw or in other terms ung nanliligaw sia pero d halata...mga k2lad ko ba...hehehe ...if thats the case kapag nisabi mo sa gurl ang feelings mo tell her wat u want agad...tpos let time decide na gnun lng un

kya its a big NO kng magpapaalam ka pa"
- Dyelo

"para sakin ay
HINDE !!
kasi kung papaalam pa prng ang baduy nun
"Miss Pwede Manligaw?"
- JC
Ano sa tingin nyo? Kelangan pa ba magpaalam? Hehehehe.

No comments:

Post a Comment