Tuesday, November 25, 2008

GrabeHHH (Ang Titik H Part 2)

GrabeHHH.
Kamakailan lang nagsulat ako tungkol sa kung ano meron sa titik H, at akalain mo ba na habang naglalakad ako sa St. Francis Square e nakahanap ako ng swak na swak na pangalan ng store!

Photobucket

Pakshet, girlalooHHHH!! Bakit ba ang hilig nila lagyan ng titik H ang mga salita, hahhh???

Pumasok rin ito sa isip nung isang gabi, habang naglalaro ng Ragnarok. Kasi may guildmates akong mag-syuta at ang tawagan nila sa isa't isa ay... bHie. Baket ba nilalagyan ng H? May difference ba talaga? So ang pag-bigkas ngayon nyan eh "Bi-Heeee"? O simpleng "Be" as in short cut ng Bebe??

Naalala ko rin dati meron ako guildmates na mag-syuta rin. Ang tawag nila sa isa't isa eh "MahalKoH" at "MahalCoH." Nung nag-break sila at nakahanap ng bagong syuta si fafa, ang tawagan naman nila ngayon eh "HoweKoH" at "HoweCoH." May gohh-layhh! Kakabaliw ang titik H!!! (P.S. Kung nababasa mo to, pasensya na kelangan lang kita gawing example! Hehehe peace tayo =D)

No comments:

Post a Comment