Monday, November 3, 2008

Emo ba U?

Dati mga ilang taon na ang nakalipas, natutunan ko kung ano ang ibig sabihin ng EMO. Ayon sa aking kaibigan na si JA, ito ay isang genre ng musika na nagmula sa punk rock. Tinawag itong EMO dahil sa “heavy, emotional lyrics” nito, at usually meron daw part kung saan sumisigaw sigaw yung kumakanta. Ang mga banda na ganito ang tugtog ay: The Used, Secondhand Serenade, Finch, My Chemical Romance, atbp. Ang sample ng lyrics nila:
“I feel diseased, Is there no sympathy from the sun? …
Like a bad star, I’m falling faster down to her.”
- What it is to burn, Finch

“Cause I was born to tell you I love you
and I am torn to do what I have to, to make you mine”
- Your Call, Secondhand Serenade

“I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven.”
- Your Guardian Angel, Red Jumpsuit Apparatus
Hebigat di ba?? In fairness, may ibang emo songs naman na kaya kong i-tolerate. At meron din naming magaganda talaga. Kaso yun lang, hindi talaga ako emo fan. =3

Pero ngayon, pag sinabi mong EMO, hindi lamang musika ang tinutukoy nito kundi ang “lifestyle” ng isang tao. Merong mga tao na pagkakita mo pa lang, alam mo na agad na EMO sya, at meron namang hindi halata sa pananamit kundi sa musikang pinapakinggan nya. Eto ang mga na-obserbahan kong katangian ng mga EMO sa mundo. Ito lamang ay aking opinion, at ikaw ay malaya na pagsabihan ako kung nagkakamali ako.

Emo = Emotero. Kaya nga tinawag na EMO eh. Masyadong emote sa lahat ng bagay, OA na talaga sa pagka-emote. Kumbaga, nahulog lang yung kutsara, ang reaksyon nila agad eh “sh!t nahulog ang kutsara pakamatay na ako.” Daig pa nila si Sharon Cuneta sa pag-pasan ng daigdig. Pag nakakausap mo sila para bang napaka-walang saysay na ng buhay nila. Kaya nga minsan nai-uugnay rin sa kanila ang…

Emo = Laslas. Dahil sa sobrang pagka-emotero ng mga to, ang karaniwang ini-uugnay ay ang paglalaslas o pakamatay. Sa isip ko tuloy, kapag EMO ka ba eh naturally depressed ka all the time? At ang solusyon na lang eh ang paglalaslas? Hmmn. Bagay ata yung image na ito para sa inyo:


Emo = Eyeliner. Karaniwang nakikita ko sa Emo kids ay ang paglalagay ng eyeliner na itim. Para saan ba ito? Sa pagkakaalam ko sa Fashion 101, ang eyeliner ay para ma-highlight ang eyes at magmukha itong malaki. Pero bakit ganun, pag isang Emo na ang naglagay nito, parang ang lungkot lungkot ng itsura nya? Ang ibig sabihin, gusto talaga nila makuha ang depressed look. Depressed nga ba sila talaga? O sa porma lang yun?

Emo = The Hair. Sabay ng paglagay ng eyeliner ay ang pag-style din ng buhok. Karaniwan, ang hairstyle ng mga Emo eh mala-anime. Yung may spikes spikes at bangs at layered na ewan. Usually one-sided lang yung bangs. Minsan, naglalagay yung iba ng sangkatutak na gel, yung pwede na mamatay ang butiki pag nahulog sa buhok nila. At hindi kumpleto ang get-up ng isang emo kung wala ang…

Emo = Skinny Jeans. Grabeh… As in. Daig pa ang mga babae sa pagsusuot ng skinny jeans! Minsan may mga kulay pa, tulad ng matingkad na blue, o kaya parpol. Jusko, nakakasindak lalo na pag makakita ka ng tabachoy na naka-skinny jeans. Ampucha! Pwede ba, tingnan nyo muna sarili nyo sa salamin kung bagay sa inyo ang pantalon nyo??? Hindi sa nagdi-discriminate ako, pero kasi naman, magsuot ng mga damit na nakaka-flatter sa katawan nyo. Hindi yung lalo kayo pagmumukhaing baboy.

Emo = Vans/Chuck Taylor. Ito ang pambansang sapatos ng lahat ng Emo sa mundo. Period.

Ganito ang typical na Emo barkada:

Photobucket

Sa totoo lang, may mga taong binabagay ang “Emo look” at meron naming nagmumukhang burak pag ito ang suot. Punta kayong SM Megamall, sa foodcourt malapit sa skating rink at makikita nyo doon ang swarm ng emo sa Pilipinas. Doon nyo rin makikita ang sari-saring emo kids na kahit hindi bagay sa kanila, eh nakiki-emo porma pa rin. Sana lang talaga, ang panalangin ko, eh tingnan muna nila ang sarili nila sa salamin kapag nagsusuot sila nito…

3 comments:

  1. http://www.youdontknowemo.tk

    Really sad talaga kung anu nanyari sa genre.. D:

    XDD

    ReplyDelete
  2. Actually, Emo as a music genre ay okay lang. Dami magandang emo songs, esp. when it comes to the depth of the lyrics (hebigat kasi talaga). Kaso yun lang... binababoy ng karamihan dahil gusto nilang maki-uso. XD

    ReplyDelete
  3. im not emo cos emo is music genre

    pero my hair makes them think i am an emo:] teehee

    amsaya haha prang tanga lengs sila
    wala nemen taong emo,lulz
    di porke buhok ku ee madameng layered part at natatakpan un dalawang mata ku e emo na tandaan emo is music genre!

    type ku leng talga um buhok:]
    as in vain ako pag dating sa buhok
    lulz
    daig ku pa mga babae kum mag pa ayos at ganda ng buhok haha

    ReplyDelete