Wednesday, November 26, 2008

Babae, Lalaki

Ito ang aking reply sa post ni Towi.

Naisip mo na ba kung bakit mahirap ang manatili sa isang relasyon?

Ang sabi ng iba, hindi daw sila itinadhana. Minsan naman, dahil wala ng pagmamahal sa pagitan nila. Sabi naman ng iba, dahil daw hindi magkatugma ang kanilang pagkatao. Pero kadalasan, ang pangunahing dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang tao ay dahil sa hindi maiiwasang mga argumento at pagtatalo.

Ang tanong ngayon. Nakaka-sama ba ito sa relasyon? Depende. Kung tamang-tampuhan, away-bati, at pagdidiskusyon lang, nakakabuti rin ito. Ika nga, ito ang nagbibigay kulay sa isang napaka-boring na relasyon. Pero kapag nasosobrahan na, at nakaka-baba na ng pagkatao ng babae o lalaki, kailangan na itong matigil at maayos bago pa ito mahantong sa paghihiwalay.

Sa totoo lang, hindi maiiwasan ang mga pagtatalo. Dahil ito sa magkaibang paniniwala at prinsipyo ng babae at lalaki. Ang napakalaking misconception lang dito ay kung paano nakikita ng babae at ng lalaki ang isang pagtatalo. Ito ay dulot ng pagkakaiba ng pag-iisip ng dalawa: ang lalaki, itim at puti lang ang nakikita nyan; ang babae naman, lahat ng kulay sa gitna ng itim at puti ang nakikita nya. Hayaan nyo akong ihayag ang laman ng utak ng babae sa bawat pagtatalong nangyayari sa inyo ng kabiyak mo.

Mahilig sa salita ang babae. Kapag nagsimula na kayong mag-away, parang gattling gun na ang bunganga nya sa kakasabi ng kung anu-anong walang kwentang bagay. Minsan kahit magsalita ka pa, hindi siya makikinig sa yo at sarado ang utak nya sa kung ano man ang gusto nyang mangyari. Kapag nagsalita ka naman o kaya mag-point out ng opinyon mo, sasabihin nilang nasasaktan sila sa mga sinasabi mo at kung anu-anong kadramahan pa ang ibibigay. Pero hindi ibig sabihin nito eh panalo na ang babae. Ang totoo nyan, hanggang salita lang sila. Kapag tinaasan mo na ng boses yan, manliliit na yan na parang langgam. Hindi papalag yan sa yo. Kaya sya nagdadakdak na parang walang katapusan ay dahil gusto nya ng assurance galing sa yo na nirerespeto mo sya at ang kanyang mga desisyon. Gusto nyang mapansin mo ang kanyang mga opinyon at prinsipyo. Gusto nya ng atensyon mo, period. Oo, KSP ang mga babae, kaya pansinin mo sya.

Ang babae kelanman hindi nag-aambisyong maging "lalaki" sa isang relasyon. Oo, paminsan minsan nagbubukas sila ng pinto para sa yo, o kaya hinahatid kayo pauwi. Pero hindi ibig sabihin nito ay inaagaw na niya ang role mo bilang lalaki. Ginagawa nya ito dahil gusto nya, dahil mahal ka nya. Kung sa tingin mo ay naaapakan na ang pagkatao mo at hindi mo nararamdamang ikaw ang tigasin sa relasyon, aba'y kasalanan mo yun ang hina mo. Kung gusto mo maging lalaki sa relasyon, magpakalalaki ka. Wag kang engot. Kung mas engot ka pa kaysa babae, aba eh talagang aapak apakan ka nga!

At panghuli, ang babae madaling pangunahan ng emosyon. Bakit? Sisihin nyo yung hormonal imbalance na dulot ng kanyang buwan-buwang pagdurusa. Hindi nila choice ito, pero kahit may choice man sila, hindi nila kayang i-control. Ang mga ganitong sitwasyon hindi na dapat pinapatulan, kasi kahit anong gawin mo, buwan-buwan kayong makakaranas ng ganitong pagtatalo at pagdadrama. Kapag uminit na ang ulo nya, hayaan mong lumipas ito. Dahil kapag lumipas na, bubudburan rin kayo ng matinding paglalambing at pagmamahal.

Samakatuwid, ang dahilan kung bakit mahirap manatili sa isang relasyon ay hindi dahil sa mga pagtatalo at pataasan ng apog. Mahirap manatili sa isang relasyon dahil hindi maintindihan ng lalaki kung bakit ganun ang babae. At ang babae naman, masyadong engot at paligoy ligoy na hindi nya kayang derechohin ang gusto nyang mangyari. Kailangan ng compromise, meeting halfway kung baga. Isa ito sa mga kailangang matutunan kung gusto nyong tumagal.

No comments:

Post a Comment