Friday, November 21, 2008

Chiksilog

Ano nga ba ang Chiksilog? Chicken, Sinangag, Itlog? Korny.

Sa ngayon, ang chiksilog ay isang lalaking nagpapanggap na babae, lalong lalo na sa online games kung saan pwede kang gumawa ng character na babae kahit na machong macho ka. Sa pagkaka-alala ko dati noong naglalaro ako ng Ragnarok (at medyo baguhan pa ako sa online gaming), andami-dami kong "babaeng" kaibigan at tinatawag ko pa silang “Sis.” Pero noong nagkita na kami, aba’y akalain mo, amfofogi pala!

May dalawang klase ng chiksilog. Ang una, yung lalaki na nagpapanggap bilang babae dahil: 1) cute ang sprites ng mga babae; 2) gusto nila mang-huthot at makahanap ng sugar daddy; 3) nagkamali lang nung gumawa ng char. Yung pangalawang klase eh yung mga baklitang hindi makaladlad sa totoong buhay kaya sa online games na lang naghahasik ng lagim. Sila yung pag kausap mo online, kalang kala mo talaga lalaki, pero sa totoo lang eh may mga lawit pala!

Ang tanong ngayon: Kung mabibiktima ka ng isang chiksilog, anong klase ang pipiliin mo? Ang manggagamit? O ang gurlaloo at heart?

Antanga mo naman kasi pag na-inlab ka online. Hindi mo pa nga nakikita eh! May mga taong magaling talaga magsalita at mapang-linlang, at masyadong madaling magpanggap sa likod ng computer. Para makasigurado, hingi ka muna ng Prenster. Hingin mo rin selpon o landline at tawagan mo. Tingnan mo kung boses babae. 75% chance na agad na totoong babae ang kausap mo. At para sigurado, makipagkita ka! Pag napatunayan mong babae nga, may karapatan ka na magmahal.

Kung ayaw naman magbigay ng prenster, o ng selpon, aba’y magduda ka na! Mahirap ma-inlab sa taong blanko ang mukha. Kahit sabihin mong “wala sa looks yun at sa panloob na katauhan yun,” mahirap na dahil paano kung lalaki rin pala ang kinababaliwan mo? Kung kapwa mo, mahal mo ka rin sana eh okay lang. Kaso pano kung hindi? Isipin mo na lang, online yun. Nakikipaglandi-an ka sa “online gelpren” mo, minsan umaabot sa talk dirty… at minsan cybersex pa yung iba. Tapos malaman mo sa huli na pareho kayong may lawit… PAKSHET!

Hindi ko nilalait ang mga kafatid nating baklush. Naaawa lang ako minsan sa mga nabibiktima nila. Okay lang sana kung pati sa online eh inaamin nilang ganun sila. Kaso may ibang hindi eh, hanggat sa dulo ng walang hanggan eh sasabihin talaga nilang babae sila. At mas naaawa pa ako sa biktima nila kaysa mga biktima ng mga manggagamit. At least mas madaling mahalata ang mga users. Pag sunod-sunod na ang panghihingi sayo, malamang nanghuhuthot na yan. At iba makipag-usap ang user. Walang ka-emosyon emosyon. Puro pera at gamit lang ang nasa utak. Alam na alam ko yun dahil nagging user din ako dati hehehe. Yun nga lang, hindi ako chiksilog. Ginamit ko lang ang aking pagkababae para makahuthot! Bwahahaha! At in fairness, successful naman ako. =D

Ang mensahe ko lang sa lahat ng online gamers na lalaki: mag-ingat sa chiksilog!!

5 comments:

  1. May nabasa ako dati (nakalimutan ko lang kung saan) totoong nangyari ayon sa nagsulat. Nagpanggap na babae yung isang character (ragnarok), may nakilalang lalaki, naging magkaibigan, na-inlove sa isa't isa. Binigay yung friendster at girl ang mga pictures. Binigay din ang cellphone number etc. Nung tinawagan ng guy yung chixi, babae ang nakasagot pero ang totoo pinakausap ni chixi yung GF niya. Nag-EB yung GF ni chixi at yung guy, para maniwala lang na girl talaga yung si chixi at makahuthot ng IG items. Di alam ni GF na ganun ang ginagawa ni chixi at alam lang nya simpleng pakikipagkaibigan lang ang pinapagawa ni chixi. So ang nangyari para makaganti si GF kay chixi naging magsyota si GF at si guy. Pero nung nalaman ni chixi ang ugnayan ni GF at ni guy ayun rambol at nagbugbugan sa shop ni guy. -END- vjers

    ReplyDelete
  2. Wahhh! Parang may nabasa rin ako na ganyan dati sa Loki Boards. Grabe ha, hanggang saan ang pagiging chixilog? Hehehe. Ganyan talaga kasaklap ang buhay, may nanggagamit at may nagpapagamit.

    ReplyDelete
  3. mamatay na mga chixi!

    ReplyDelete
  4. iba sakin. may kakilala ako na super hot (sa pic) na ragnarok player, sobrang hard to get, babaeng boses, at mapili sa lalake na chixilog. sobrang naconvince kaming LAHAT na babae sya. ang kinahinatnan ko pa nga, eh nireto ko sya sa isang friend ko na nainlab sa kanya at naging sila for ilang months. nalaman ko nalang yung totoong identity ni chixi nung nagsalita na yung ex-bf ni chixi nung nagimbestiga sya. nalaman namin na picture pala ng isang model yung ginagamit nya. at umamin din sya sa huli. nakng. pak-shet material talaga. AT ANG MALUPIT DUN, kaguild nyo sya. :D

    ReplyDelete
  5. wahahaha!! Pakshet!! Bakit andaming CHIXILOG sa guild namen!?!? At nililinlang pa ang mga boys namin! tatanga naman tong mga boys, ambilis ma-uto! Hahaha. Pero in fairness... pati ako na-convince rin na girl sya... dati kasi ka-heart to heart talk ko yun at kala ko talaga babae sya >____<

    ReplyDelete