Tuesday, November 18, 2008

Ang Chu-chu, bow.

WHOA!! Sa wakas!! Back to Blogging na ulet ang lola nyo!! Matapos ang isang linggong hindi pagkakaroon ng pagkakataon na makapagsulat, grabe nababaliw ako sa dami ng gusto kong isulat pero hindi ko magawa! Pakshet naman talaga!

Pero una sa lahat, gusto ko lang magsulat tungkol sa mga chu-chu, a.k.a. mga chismoso at sumbungerong walang magawang matino sa buhay nila.

Bakit ba andaming inggetero sa mundo? Hindi mo na nga pinapaki-alaman, pilit pa ring isinisiksik ang sarili upang maki-eksena sa buhay mo. Siguro ganun talaga ang buhay, may itinakda talagang maging kontrabida sa makulay mong mundo. May isang tao talagang sisira at tatapos sa maliligayang araw mo.

Pakshet naman.

Alam kong adik ako sa dota, at alam kong nale-late ako. Pero nagagawa ko ang trabaho ko at ginagawa ko itong malinis. Wala na kayo paki-alam kung pano ko nagagawa to (eh sa magaling ako eh, ano ba paki nyo??). Pero plis naman, lalo na sa chu-chung walang magawa sa buhay nya, wag nyo ipagsasabi sa iba, lalo na sa mga taong nakatataas sakin (i.e. mga bossing) na puro laro na lang ginagawa ko. Una sa lahat, bawal dito sa opis ang laro. Pangalawa sa lahat, hindi pa ganun ka-kapal ang mukha ko para maglaro dito sa opis (pasensya kung tinamaan kayo -- alam nyo kung sino kayo hehehe -- peace!!). At pangatlo sa lahat, andami ko trabaho sa isang araw at kelangan matapos ko ito.

Kaya pano nyo naman nasabi na puro laro ginagawa ko? Stalker ba kayo??? Haller.

Kung sino man ang chu-chu at kontrabida sa buhay ko, maghanap ka ng ibang mas-stalk!!! Hindi pa rin kita papansinin!

No comments:

Post a Comment