Tuesday, October 21, 2008

Videoke Peyborits

Note: Naisipan ko magsulat ngayon tungkol sa videoke dahil kay Yuhenyo. Sabi kasi nya videoke daw pag nakuha nya na back-pay nya woohooo!!

Ano nga ba ang madalas na kinakanta pag nagvi-videoke? May progression yan e. Habang di pa lasing, matitino pa yung mga kanta. Yung mga uso, mga bago, mga love songs (para sa mga emotero at emotera), mga alternative at rock (para sa mga hard-core rakistas). Pero pag tumatagal ang inuman, tumataas ang tagay, at tumataas na rin yung amats, bumabago na ang mga kantang pinipili sa listahan. Epekto ba to ng alak? Habang tumatagal, ganito na ang mga kinakanta ng mga tao:
Birit Songs. Kahit olats na olats ang boses ng mga tao e pumipili pa din sila ng uber-birit songs tulad ng mga kanta ni Mariah Carey, Whitney Houston, at Charice Pempengco. Para naman sa mga lalaki, peyborit nila yung "I don't want to miss a thing" ng Aerosmith.

Rap-rapan na! Salbakuta, Gloc-9, Andrew E. Pabilisan mag-salita/kumanta! Minsan nakakagulat din malaman na yung kala mo eh hard-core rakista eh memorize pala yung S2pid Luv!

Jukebox. Mga kanta ni Claire dela Fuente, Aegis (Basang-basa sa ulan, Halik), April Boy Regino (Pano ang puso ko), atbp.

Boyband/Girlband of the 90's. Alam ko marami nagsasabing jologs daw ang mga boyband at girlband noon pero para sakin champion pa rin ang mga kanta nila sa videoke lalo na yung "Stop" nung Spice Girls, yung "Quit Playing Games" nung Backstreet Boys, at yung "Drive Myself Crazy" ng N'Sync.

Uba-uba songs. (Note: Uba is an Ilonggo word which means "hubad"). Nakuha ko to sa kebigan kong mahilig sa forever christmas bars (i.e. yung mga nasa Q.Ave...) na si Puyo. Ito daw ang sounds pag nag-aacrobatics na ang pinapanood nila. Peyborit dito yung Total Eclipse of the Heart, Vulnerable, at Sometimes when we touch.

Bohemian Rhapsody. Yun yun eh, finale!
Di ko na maalala yung iba pang peyborits! Shet tagal ko na di nagvi-videoke!! Videoke naman tayo! Sacrifice muna dota...

5 comments:

  1. hahahaha! salamat Pats! :D the best yung bohemian rhapsody with matching CHEEERSSSS! Walang hiya hiya, walang keme keme pag si patsilog ang bumibirit..hahahaha!

    ReplyDelete
  2. Hahaha ganun talaga pag wala na sa tamang pag iisip!

    ReplyDelete
  3. yeahhhh videoke ta! hahaha. sa uba-uba portion, mga songs ni bryan adams and bon jovie madalas din na plaplay... sinabi lang sakin ni Puyo. -mike t

    ReplyDelete
  4. ahaha please forgive me? and bed of roses?? Hahaha. Are you sure sabi lang sa yo ni puyo?? =P

    ReplyDelete
  5. oo...sabi lang sakin, wala akong experience sa mga uba-uba hahaha >_> <_< >_>. so game! kelan videoke?! haha

    ReplyDelete