Monday, October 20, 2008

Taxi Kupals

Mahilig ako sumakay sa taxi pag umuulan o kaya pag nale-late na ako. At sa bawat taxi na sinasakyan ko, may kakaiba! Swerte ko lang talaga pag matino yung nasakyan ko (matino yung drayber pati yung sasakyan nya). Kaso paminsan-minsan eh hinahabol rin ako ng kamalasan. Pucha naman kasi, andami rin kupal!!! Ta-taxi ka na nga para di gaano nakaka-stress tapos mase-stress ka rin pala. Amp naman!

Manong Stalker. Nung minsan pumasok ako at napag-isipan kong mag-taxi dahil male-late na ako sa skul (college pa ako nun), kala ko maswerte na ako nung may nakuha agad akong taxi. Pero di ko akalain na si manong pala eh maypagka-stalker. Biruin mo, habang nasa byahe eh tinatanong nya kung ano daw kurso ko, may boypren na ako (eh dati wala pa), kung ilan taon na, kung dun ba ako nakatira talaga, etc. Tas humirit ba naman bigla, "ganitong oras ka ba pumapasok?" Nung tinanong ko kung baket, sinagot ba naman ako ng "sunduin at hatid na lang kita araw-araw." Anakngpucha naman. Natakot ako at sa Shangri-La na lang ako bumaba. Ayoko na magpahatid sa skul baka pati dun eh humirit pa sya ng kung anu-ano. Katakot naman tong mga to!

Storyteller. Sila yung mga hindi nauubusan ng kwento, kahit anong topic basta lang may kwento. Yung pamilya nila, yung mga pasahero nila, yung mga chismis sa showbiz, yung mga teleserye, atbp. Okay naman minsan yung mga ganito eh, pero ang nakakainis lang eh pag pagod na pagod ka na at wala ka talaga sa mood makipagkwentuhan. At etong si manong eh pinipilit ka pang magsabi ng opinyon mo. Amp naman! Pag ganito tumatawa na lang ako ng plastik minsan eh. Pero bilib ako sa isa kong kaibigan, sa sobrang inis nya nasabihan nya talaga si manong ng "Pwede ba, Shut UP!!" Haha Ingles pa yun! Idol kita mare!

Makabayan. Daig pa nila ang mga kolumnista at radio hosts sa pagbatikos sa mga pangyayari sa bansa! Grabe! Pero nakakatuwa tong mga to, ibig sabihin may pag-aalala sila para sa bansa. At ibig sabihin din eh sila ang naaapektuhan sa mga pangyayari na nagaganap buhat ng mga desisyong ginagawa ng mga politiko. Kaso minsan eh nakakapikon rin tong mga to e, lalo na pag pa-ulit ulit nilang sinasabi na napaka-korap (corrupt) ni GMA. Alam na namin yun manong, wag naman po paulit-ulit kasi hanggang panaginip e naririnig namin ang sinasabi nyo.

Ang Songer. Ay grabe parang napunta ka lang sa isang videoke bar sa tindi ng pag-sing along ni manong sa mga kanta sa Love Radio o sa Energy FM! May golay! Walang-care si manong kahit wala na sya sa tono. kahit mali-mali ang lyrics nya, at medyo masyado na malakas ang kanyang boses! Basta feel nyang kumanta sa "Ojo Kaluguran" eh kakanta sya! Jusko naman. Mga ganitong panahon nami-miss ko tuloy ang iPod ko!

Malapit na ma-K.O. Ito yung mga taxi na konting lubak na lang sa daan eh feeling mo mawawasak na yung sasakyan. Sa Ilonggo, ang tawag namin ganito e mga "pagal-palon." Yung tunog kasi ng taxi nila pag umaandar eh "pagal-pagal-pagal..." Minsan rin sira yung aircon at mabaho na yung mga upuan... Hay stress!!

Pa-simpleng Palimos. Naku sila ang pa-simpleng hihirit pag sakay mo ng taxi. Ang typical na linya nila eh: Mam, dagdagan nyo na lang po... Pakshet naman!! Nakakainis talaga tong mga to lalo na pag malapit lang yun pupuntahan mo at hindi pa trapik. Gusto ko lang sabihin sa mga taxi driver at sana maintindihan nila ito: Ang mga pasahero nyo eh kusang bibigay yan pag gusto nila ang serbisyo na ginawa mo! Wag naman sana garapal na hihingi ka kasi lalong maiirita ang pasahero at kukuriputin ka pa lalo!

Ang kontraktor. Ito ang pinaka-kupal sa lahat ng mga taxi driver. Yung tipong sasakay ka sa Robinsons at sa OSMA ka lang baba. Sasabihin sa yo ni manong na Php150.00 ang kelangan mo bayaran. Pakshet naman! Di pa aabot ng ochenta pesos yun e! Sa sobrang gahaman sa pera nitong mga to eh minsan ansarap basagin ng bintana nila e. Kaso ano naman magagawa ng simpleng pasahero kundi ang ibagsak na lang ng todo ang pintuan at maghanap ng hindi kups na taxi.

Killer Taxi. Pag sumakay ka dito feeling mo talaga mamamatay ka na. Sa sobrang kaskasero ni manong eh napapa-higpit ang hawak mo sa kung saan man pwede humawak. Minsan ayos to pag nagmamadali ka eh, pero pag stressed ka na nga sa trabaho tapos ganito pa ang nakuha mong taxi, jusko parang daig mo pa yung taong i-electric chair sa sobrang takot. Sabi nga ng nanay ko pag nakakauha sya ng ganito, parang tumataas daw yung uterus nya at bumabaliktad ang bituka nya. Eh jusko naman kasi, pwede naman magmaneho ng mahinahon!!

Ikaw, ano ang kwentong Taxi mo?

1 comment:

  1. ung taxi driver na WALANG BARYA! para me instant tip sa knila, laging walang barya! bwusit!

    ReplyDelete