Wednesday, October 29, 2008

Parang Gobyerno Lang

Kawawa naman tong si Megarak. Kelangan kasi nya magtanong tungkolsa PhilHealth kasi magpapa-opera sya ngayon. Sa kasamaang palad, wala na kaming resident HR person dito sa floor namin, at ang HR na naka-assign sa amin ngayon ay nasa kabilang building pa (mga 2-3 blocks away).

So hanap kami ngayon ng HR person sa Global Address Book. At ayun, nakahanap nga kami ng Compensations and Benefits person. Eh di ba part naman ng compensation at benefit ang PhilHealth?

Tinawagan ngayon ni Megarak ang C&B person na ito. At nung nagtanong na si Mega, ang banat ni C&B eh, "ita-transfer ko po kayo sa Nurse." Anakngpatola... Bakit sa nurse!? Well, benefit of the doubt sige nagtanong na rin sa Nurse tong si Mega. Baka lang naman mas may alam to.

Kaso pagtawag ni Mega sa nurse, aba'y pinasa ulet sya dun kay C&B! Ano ba talaga koyah? Wala ba kayong mga alam tungkol sa PhilHealth na yan? Sino ba dapat na maka-alam nito? Nagpapasahan lang eh, parang gobyerno.

Jusko natatakot tuloy ako pag ako nagkasakit at magtatanong, may magandang maisasagot kaya ang HR namin??

3 comments:

  1. ang last pay ko hanggang ngayon wala pa din..olats! anong klase naman ang Emerson? di maayos ang proseso..

    ReplyDelete
  2. Sino contact mo sa Emerson para sa last pay?

    ReplyDelete
  3. too old na post to ask. hehehehee....

    ReplyDelete