Friday, October 10, 2008

Pag-Ibig

Natawa ako dito sa pinadala ni Sub (self-proclaimed Dota God). Kasi kahit ang jologs basahin at parang walang kwenta, tumatagos din hehehehe. Enjoy!
Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya. Oo nga naman, mahirap yung pa-asa. Marami nagpapakamatay dahil dyan.

Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon. Lalo na mga lalaki, mga weak!

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo. Di ako agree dito. Hindi pwedeng hindi naka-align ang goals ng puso at utak. Mababaliw ka nun.

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba. Huwaw... Tagos talaga to.

Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang. Korek! Ang selfish mo naman pag ganun.

Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na. Bwahahaha!! Sana may matamaan nito!!!

Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kungwalang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin. Kakatamad kasi yung hagdan eh...

Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din. Tama tama!! Agree talaga ako dito! Di na uso yung "maghihintay ako para sa taong para talaga sakin." Eh pano kung nahanap na pala sya ng iba? Dapat maghanap ka rin. Hehehe.

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod naaraw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang. Tama. Ganito dapat mag isip ang mga na-basted.

Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa. Pero kung may "package" na, mahirap na ata humiwalay...

Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang. Sabi ko nga, ganito dapat mag-isip ang mga na-basted.

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila? Ows? Mas sarap nga matulog pag inlab eh kasi nakikita mo yung mahal mo sa panaginip. Pakshet!

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap nasa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka. Hahahaha tagos again!

No comments:

Post a Comment