Wednesday, October 22, 2008

Nang Dahil Sa Dota

Ito ay isang kwento na nangyari kagabi. Ang mga tauhan sa pangyayaring ito ay itatago natin sa mga pangalang kathang-isip lamang.

Si Pedro ay naglalaro ng Dota sa isang shop. Si Juan naman ay naglalaro mula sa kanyang bahay. Magkalapit lang ang dalawang ito, sapagkat ilang kanto lang ang pagitan ng bahay ni Juan sa shop na pinaglalaruan ni Pedro. Kahit hindi magkasama ang dalawang ito, nagkita pa rin sila sa laro gamit ang Garena. Magkasama sila sa Sentinel, at pawang magagaling na manlalaro ang mga ito.

Subalit sa kalagitnaan ng laban, bigla na lamang nag-dc (disconnect) itong si Juan. Ang sabi nya bago sya umalis ay "Andyan na si mommy, alis na ako." Mukhang pinagbabawalan ata ng nanay nyang magpuyat tong si Juan.

Natapos na ang laban na iyon at pagdating ng pangalawang laban, bigla na lang nagulat si Pedro na may bisita sya sa shop. "Si pareng Juan yun ah," sa isip nya. Laking gulat ni Pedro ng makita nya si Juan na duguan ang nguso!

"Juan, ano nangyari sa yo? May kaaway ka? Upakan natin!" ang sigaw ni Pedro.

Ang sagot naman ni Juan, "&@*&%$ pare, nahuli ako ni mommy naglalaro. Hinampas ako ng keyboard."

Hahahaha! Moral of the story: Itago na rin ang keyboard. Kaso baka monitor na yung ihampas sa sunod, yung CRT pa.

No comments:

Post a Comment