Thursday, October 23, 2008

Mga Salitang Tagalog na Dapat Mong Malaman

Nakuha ko lang to sa Oracle Boards dati at nung nabasa ko eh tawa ako ng tawa.

BAKTOL. Ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o FX.

KUKURIKAPU. Libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.

MULMUL. Buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal, subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.

BURNIK. Taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo naito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

ALPOMBRA. Kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo.
ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero
kadalasang suot ng mga lalaki. available in blue, red, green, etc.

BAKOKANG. Higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

AGIHAP. Libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay
suotsuot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.

DUKIT. Ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit o sa puwit ng
iba

SPONGKLONG. Ito'y isang bagong wikaan nangangahulugan isang estupidong tao.

LAPONGGA. Ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan

WENEKLEK. Ito ang buhok sa utong nakadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging
nakahubad. Meron din ang babae nito.

BAKTUNG. Pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
BAKTI. Bakat panty

ASOGUE. Buhok sa kilikili

BARNAKOL. Maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon

BULTOKACHI. Tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak (Yung parang sa Tang na commercial)

BUTUYTUY - etits ng bata

JABARR. Pawis ng katawan

KALAMANTUTAY. Mabahong pangalan

McARTHUR. Taeng bumabalik after mong i-flush

BASKIL. Basang kilikili

No comments:

Post a Comment