Tuesday, October 7, 2008

Manyak

Habang naglalakad ako kanina papuntang banko sa may San Miguel Ave. dahil kelangan ko magbayad ng mga ka-utangan ng Tito ko, may nakasalubong akong gago. Biruin mo, mga tatlong hakbang ang layo nya sakin bigla sya sumigaw ng "ang seksi mo naman!" Taena napatingin yung mga tao sa gilid pati na yung mga nasa likod nya (na kaharap ko). Nakakahiya amp!! Buti nga nakapag-side step pa ako kung hindi baka na-jumong na ako at naka-banggaan ko na talaga sya.

Dapat ata ma-flatter ako sa ganito, pero dahil sa init ng sikat ng araw eh uminit din ang ulo ko. Kaya lumingon ako at napa-sigaw ng "ulol, manyak!" Tapos na-isip ko, pucha bat ko ginawa yun. Pano kung habulin ako nito bigla???? Kaya dali-dali akong naglakad papunta sa destinasyon at hindi ako lumingon pabalik hanggang sa makakit ako ng security guard. Naisip ko lang antapang ko pala pero duwag rin sa huli. Shet.

1 comment: