Friday, October 17, 2008

Look-Alikes

Ang titindi nitong nahanap kong look-alikes! Kamukha talaga! Nyahahaha. Yung mga nakikita mo sa TV o sa mga billboard na kala mo eh kathang-isip lamang, aba'y akalain mong may mga totoong tao pala na talagang kamukha nila? Eto mga astig na look-alikes:

Photobucket
Ang totoong Michelin model. Grabe na to nakakatakot na ata pag pina-laki mo ng ganito ang anak mo. Tingnan mo naman yung laki ng tyan. At anlaki ng pata. At may maliit na... Well nevermind. Hindi na cute, kawawa siguro to paglaki nya pag di pa sya nag-dyeta.

Photobucket
Kilala nyo ba si Kokey?? Sya yung alien sa sikat na TV show ng Kapamilya network. Hindi ko alam kung sino ang model na basehan ng kanyang itsura... Pero kung kay JDV nga, di na ako magtataka. Pero mas astig pa din kilay ni JDV. Wala na makakatalo dito.

Photobucket
DragonBall fan ka ba?? Kung oo, sigurado akong hindi mo makakalimutan si Mr. Satan, o sa pinoy version, si Mr. Pogi. Sya yung duwag na tatay ni Videl na naging champion ng Martial Arts Tournament (pakshet, di halatang fan ako ng Dragonball no?) at sya ang nagbibigay katatawanan sa ma-aksyong anime/manga na ito.

No comments:

Post a Comment