Monday, October 13, 2008

Trashtalker

Kapag ikaw ay isang gamer, lalo na sa multi-player na games, bahagi na ng iyong buhay ang pag-trashtalk. Ano nga ba ang trashtalk? Sabi nung diksyonaryo:
"disparaging, taunting, or boastful comments especially between opponents trying to intimidate each other"
Ohhhhh-kay. Ingles yun, nano-nosebleed ako pakshet. So ano ba talaga ang trashtalk? Ito yung pag kinukupal mo yung kalaban mo para: 1) mainis sya; 2) mapikon sya; 3) maging masaya ang laban; 4) i-bring out mo yung "game" (naks!); 5) wala lang, sadyang pinanganak ka lang na trashtalker.

Kung isa kang online gamer, malamang alam na alam mo to. Wala atang online gamer na hindi marunong mag trashtalk eh. Kung olats ka man mag-trash talk, at least marunong ka pa din. Kelangan mo lang talaga tanggapin na may mas malakas mangupal kesa sa yo. At ang mahalaga dito, dapat di ka nag-eemote kung may nagta-trashtalk sa yo. Kahit saan, talo talaga ang pikon. Kung masyado mo dinidibdib ang pangungupal ng iba, aba eh wag ka na lang maglaro. Alam mo namang kupal ka rin minsan e. Pana-panahon lang yan.

Maraming style ang pag-trashtalk:
The Konyo. Mga inglisero sa gaming world. Minsan tag-lish. Kunwari, "stupid" or "moron" or "a$$hole." Minsan naman ta-trashtalk pero sablay: "Stupid ka noob at looser ka!!!" Ano yun, maluwag??? Minsan naman "didn't you saw my killing spree?" Anakngpatola.. mag-aral ka muna ng grammar mo hijo bago ka mag-ingles.

The Cusser. Ito yung wala na alam sabihin kundi gag0, tanga, bobo, put*ng in* mo, f*ck you, atbp. Marami atang hinanakit sa mundo tong mga to.

The Gay. Eto naman ang hilig magsabi ng "bading ka! bading ka! Bading kaaaa!" Ito yung mga talunan. Dahil asar-talo na sila eh sasabihan nilang bading ang kalaban dahil hindi nila mapatay. Nyahahaha!

The Taunter. Tong mga to mahilig sa asaness, asa ka boy, asa naman tong gag0ng to, hanggang panaginip na lang ang pagkapanalo mo sakin. Yung mga walang magawa kundi mang-asar sa kalaban. Kaso ingat lang mga tsong, pag nang-taunt kayo, siguraduhing may ibubuga kayo kasi baka mapahiya!!

The Superior. Wala na sila ibang sinasabi kundi "WEAK KA!" Kala mo naman anlakas lakas nila. Pero infairness meron naman talaga malalakas eh. Kaso kadalasan yung mga nagsasabi ng WEAK eh sila mismo yung weak, dini-demoralize ata nila yung kalaban.

The Backstabber. Ito yung mga sinisi yung kakampi dahil sa pagkatalo. Kakampi na mismo tina-trashtalk pa wahahaha! Sasabihin nila "tanga kasi kakampi namin noobs!!" o kaya pagbibintangan nila ng "yung kampi namin, benta sa kalaban!" Nagdahilan pa e, tanggapin na lang kasi pagkatalo!
Andami pang style na hindi ko lang maisulat (Sabihan nyo ko pag meron pa kayong alam ah!!). Bottomline is, hindi ka gamer kung hindi ka marunong mag trashtalk. At hindi ka gamer kung ikaw ay pikon.

Note: wala po akong pinapatamaan. Nagsasabi lang ng opinyon.

No comments:

Post a Comment