Thursday, October 16, 2008

Dota Noob Heroes

Ang piyesang ito ay isinulat at ipinadala ng isang avid reader na itatago natin sa pangalang KidLightning. Kung gusto nyo sya hamunin, paki-comment na lang dito at ipost ang inyong YM ID para mai-pm ko sa inyo ang kanyang Garena ID. Hehehe.

Sa daming beses ko na naglaro ng dota, sa LAN or Internet, meron talaga noob, yung bang tanga o nagmamarunong pa minsan pero sablay gumamit ng skills!! Eto ang ilan sa mga Dota Heroes na binigyan namin ng mas malupit na pangalan para umangkop sa tangang manlalarong gumagamit sa kanya.

Me-Food (The Geomancer)

Bwahaha, gusto agad tumesting ng micro-management ah. Kaso lagi namang patay sa mga may AOE spells. Minsan naman pupwesto sya para mang-gank, pero dahil inutil sya sa pag-“TAB TAB,” di nya mailabas ang kapangyarihan ng Poof. Ang resulta? Sya ngayon ang na-poof sa kawalan! Ubos ang lahi ng mga Geomancer hanggang sa d man lang sya makaipon ng gold kahit pang vladimir’s o kaya Mekansm. Ang msasabi na lang nya sa sarili nya, “Me, Food.”

Useless Void (Darkterror)

Ay grabe, pag itong hero na to ay nagulpi at 0 kills pa… tatawa talaga ako! Kasi di naman sya mahirap i-farm eh, malakas ang base damage nya. Yung mga tangang gumagamit nito minsan hindi marunong mag-last hit… Minsan naman pag clash mali ang na-cchronosphere… Pakshet, duling amf! Pinaka-tanga pag wala man lng unit (ally or enemy) sa loob ng chrono…nice tao napaka-walang kwenta!!! BOBO!

Anub’ bayan (The Nerubian Assasin)

Kawawa naman tong hero na to, minsan nasaksihan ko sa paglalaro eh sya pa ung naga-gank, imbis na sya ung ganker… Tong si mokong kasi, dahil sa level 1 Dagon nya, feeling nya may karapatan na sya mag-aggre… Hunt nya daw ung mga mage type sa kabilang team… Pero dahil sa kapalpakan nya, napapa “ANUBAYAN!” o kya “ANUBAYANG STUN NA YN!” ang kanyang mga kakampi! Minsan naman siguro sa pagpa-panic nya, magagamit nya yung vendetta sa creeps, Bwahaha!!! Tanga!! Noob nga talaga… Imbis na patay na ung target, nakakatakbo pa at naliligtas pa ng kakampi. Sa huli, si Anub’ bayan pa ang namatay…D bale batang bobo, isipin mo na lang na pera rin yung na-Vendetta mong creeps. Ayos!

Feed-Lord (Azgalor)

Ito ang hero na nangunguna sa pag-feed sa mga kalaban haha… Di porket malaki hero mo, makunat ka na! Tanga ka ba?! Minsan antapang mang-habol pero dahil sa sobrang laki e naiipit sarili nya sa creeps. Tapos gagamitin pa nya ung expulsion sa lugar na wala namang namamatay na units! Kaya ayun, Hari ng pagfi-feed talaga tong si Feed-Lord!

Gold-Bringer (Lucifer)

Ang herong mayaman at nagpapayaman sa kalaban! Parang walking gold tong hayup na to eh, nang-do-doom ng creeps!! Ano ba naman yan! Ang laki pa naman ng tiwala ko sa doom. Kaso sa creeps ginamit amf. Bobo!

I’m Dying (Dirge)

May Heartstopper Aura at Zombie na naghi-heal s knya, di pa rin makafarm at di makaharass ng kalaban… Anu ba talaga pangarap mo sa buhay koyah? Mahilig sa harap ng clash kasi daw para sulit ang heartstopper nyang skill pero ubod naman ng lambot!! Kaya puro takbo papalayo ang ginagawa nya habang sinisigaw ang pangalan ng hero nya: “I’m Dying, I’m Dying!” Sige pakamatay ka na!!

Bwisit Master (Rexxar)

Ang tangang Mag-wild axe. Habang hinahabol ang hero, sa hero ni-click ang wild axe. Pakshet. Koya naman kasi, ang wild axe lumipad sa tapat ni Rexxar. Hindi talaga tatama sa tapat mong hero yan. Ang ibon at baboy ni BM, kung saan-saan pinapapunta! Mahi-high blood ka pag kasama mo to. Bwisit na kakampi talaga. Wag ka na umasa!!!!

Silly Bear (The Lone Druid)

Hindi porket my bear kang alaga, malakas ka na. E panu kapag ikaw ang nabuhusan ng skill at hindi ung bear? Buti pa ung bear my boots, ikaw wala! Buti pa ung bear makunat, ikaw papel haha… Wag ka umasa sa bear, BOBO!!!

Dagdagan ko na lang kapag may na-encounter akong mga noob sa dota…Di naman sila nauubos eh…sigurado may mga bagong Noob heroes pa.

~KidLightning~

1 comment:

  1. "Minsan naman pag clash mali ang na-cchronosphere…"

    <-- Kulang pa pala dito yung nag-chrono sa tabi ng tower... Sino kaya yun??? Hahaha.

    ReplyDelete