Wednesday, October 29, 2008

Dota Drama

Sino mag-aakala na may kadramahan rin palang nagaganap pag nagdo-dota? Hanlabo naman, men.

Mahirap pag sobra-sobra na ang naglalaro, kung pwede lang sana gawing 8v8 ang dota eh para maka-laro lahat. Kaso hindi. So ano ang solusyon? Either break the team (para 2 games na 4v4), or wag na muna maglaro ang iba.

Mapagbigay naman akong tao kaya hinahayaan ko na lang yung iba na maglaro kahit gusto ko pa. Since sobra na, okay lang talaga na hindi muna ako maglaro. Kasi ang aga aga pa lang eh naglalaro na ako. Give chance to others, kumbaga.

Pero kala ata ng iba na nagda-drama ako pag sinasabi ko to e. Alam kong adik ako at gusto ko pa maglaro, pero hindi sa point na pati sa simpleng bagay tulad nun eh magiging whining bitch ako. Okay lang talaga sakin na hindi maglaro. Mahirap ba intindihin yun??

Nagsasakripisyo na nga ako ng laro ko, wag naman sana dugtungan pa ng kaartehan at may pa-leave room effect pa o kung anu-anumang ka-ek ekan na nalamaan. Yan kasi ang mas madrama. At mas nakakainis.

No comments:

Post a Comment