Monday, October 6, 2008

Dota Bloopers

Sa dalas ng paglalaro sa GG ngayong mga araw na to, paminsan-minsan nakakahanap ako ng mga "rare moments" na sobrang ULOL -- Ultimate LOL (Laugh Out Loud). Gravehh, as in nakaka-loka sya ha. May mga katangahan rin minsan, lalo na pag yung kalaro mo eh medyo baguhan pa lang. Eto sana mag-enjoy kayo sa dota bloopers na to.
Ang Sandstorm. Pagtapos ng cooldown ng heroes, naisip ko agad na pwede ako magkalat. XXXXX has chosen Sand King. Hanep! Malamang masisindak ang mga kakampi nito, so pinili ko na lang si Medusa. Tapos nag-mid ako, habang si SK eh nasa baba nakikipaglaban. Nung mga bandang lvl 6 na kami, ayun pumunta si Sk sa gitna, sa isip ko "ayus makaka persblad kami nito." So todo-aggre na ako ngayon, isang stun lang at tuloy tuloy na ang ligaya namin, deds na sigurado yun. Sneaky pa tong SK namin, pa-simple sa may gilid. Tuwang tuwa naman ako kasi sureball persblad to. Nung nasa gitna na ng river yung kalaban, gumitna rin si SK! Sa isip ko, baka gusto nya i-purge ko muna. So pinurge ko na at tinira tira! At si SK, akalain nyo... biglang nag Sandstorm!!! Anak ng tipaklong naman! Di man lang nag-impale nung patakbo na yung kalaban! Pero sige, okay lang. Baka nawala sya sa tyempo.

Nung nasa tower na kami at nagde-def, tinitira na nung kalaban yung tower! Pakshet! Pero sige, ok lang andun naman kami ni SK. Tapos, bigla syang nag-impale sa kalaban! Ayus deds na tong kalaban, may tower kami eh! Kaso tong si SK biglang nag sandstorm na naman!! Ano ba namang kaadikan sa sandstorm yan! Sandstorm lang ata yung nilearn nitong mamang to eh! Naman eh! Olats tuloy! Sana lang wag na mag-SK si koya!!

Amazing Race. Pagtapos na pagtapos ng cooldown sa heroes, XXXXX has chosen Twin Headed Dragon. Wow, mukhang alam nito gamitin si Jakiro ah. Pero nakakapagtaka, umalis na agad ng base ng wala man lang biniling gamit! Whoa, baka gusto nya bumili ng Void Stone agad sa secret shop. But no! Ang lolo nyo bigla na lang dumerecho lampas sa river! Waaah! At tinira tira na sya ng tower! Anong kalokohan ito!??? Sa kabutihang palad, nabuhay sya (holy karabaw talaga!). Kaso ayaw pa rin mag-back ng mokong! Dumerecho hanggang sa 2nd tower! Anak ng tokwa naman o! Yun namatay na sya talaga.

Nung nabuhay na sya, sino ba mag-aakala. Dumerecho na naman sa 1st tower si Jakiro!!! Waaah! Record breaking 34 deaths sa buong laro. Ito ang classic example ng hardcore NEWBIE.

Blink Prophet. Isa sa mga skill ni Furion eh yung instant teleportation churvaness nya. At to any part of the map pa ha. So eto namang si tanga, skill spam ng teleport. Kala mo ngayon lang nakagamit ng skill na to. Nung nag-clash na, bigla ba naman nag-teleport! Alam nyo kung saan? Sa gilid nya rin lang! Antanga naman ginawang blink yung teleport! Yan tuloy nung kelangan na talaga mag-teleport, naka-cooldown na yung skill nya at namatay. Buti nga!

Stuck. Anlabo nung Mirana nung isang game namin. Natatalo na kasi sila (Sentinel sila nun) at hanggang Fountain na lang, hindi na makalabas sa sobrang lakas ng kalaban (kami yun pakshet!!). Eh biglang nang-harass pa yung kampi namin na si Nevermore hanggang dun sa Fountain. Natakot bigla si Mirana! Nag-panic! At nag-LEAP! Dyan sa part ng map na tinuturo ko sa piktyur. Nyahahaha, na-stuck tuloy ang lola nyo!


Suicide. Tong si Koya, pagpili nya ng hero, Centaur Warchief. Naks ayus, may tanker na kami! Kaso, hindi ata alam ni koya na ang skill ni Bradwarden na Double Edge eh "damages both the Warchief and the enemy unit." Kasi sa bawat clash, lagi na lang nagpapakamatay!! Buti sana kung may napapatay rin syang iba, pero hindeee! Kala nya siguro sya si Techies. Sa sunod po, basahin po muna yung skill description, i-scroll over nyo lang po yung mouse nyo dun sa image para makita yung skill ha?

Lifestealer Witch. Gulat na gulat ako nung makita ko yung build nung isa kong nakalaro kay Witch Doctor. Mask of Death!! Whoa! First time ko makakita ng lifesteal sa isang int hero, lalo na kay Witch Doctor! Nyahahaha, sori ha pero natawa talaga ako sa build nyang to!

Inutil. Si koya talaga, ultimate newbie! Grabeeh, ang aggre masyado mag-Yurnero! Kahit sabihan mong "B na, B na" wa-epek sa kanya! Yun pala, hindi nya alam ano ibig sabihin ng B!! Waaaah. At nung sinabihan sya na "wag ka lalampas ng river!!!" kala namin pasaway lang talaga sya kasi lumalagpas pa rin sya. Pero o hindi! Hindi pala nya alam kung ano yung river!! Huhuhuhu!! At etong si koya rin, nung sinabihan na sya na mag-Back (yan, hindi na B para ma-gets na nya) kasi may kalaban malapit sa kanya sa minimap, NR lang! Yun pala di nya alam na yung nasa leftmost lowermost part ng screen eh yung Minimap... Naman naman!!
Pag may alam pa kayong bloopers, kwento nyo lang sakin! Hehehehe. Para may pagtawanan naman tayo paminsan minsan. Kasi tayo rin nagkakamali rin di ba? :D

3 comments:

  1. Pats,
    Kulang yung sa centaur na double damage na suicide tuloy at yung mini map at yung di alam kung san yung river.... Hahahaha! thanks sa blogs!!!1

    ReplyDelete
  2. Ay sori po! Yan dinagdagan ko na!

    ReplyDelete
  3. grabe, tawa ko ng tawa dun sa amazing race. weakess player!!! LOL.

    ReplyDelete