Saturday, October 4, 2008

Buhay Adik

Ang hirap ng buhay ng isang adik. May mga bagay kang isinasakripisyo para lang sa bagay na iyong kinaka-adikan. Ipinagpapalit mo ang gimik, pagkain, tulog, trabaho, pag-aaral, at kung-anu ano pa para lang sa addiction mo. Minsan din, may mga tao ka rin nate-take for granted. Hindi mo na pinapansin mga magulang mo, mga kaibigan, boypren/gelpren mo, pamilya mo, at mga taong malapit sa yo.

At dahil dito, unti-unti kang nagiging miserable. Nawawalan ng kaibigan, pumapayat, nawawalan ng gana sa trabaho o pag-aaral, o nawawalan ng social life. Pero ang masaklap nito, eh OKAY LANG sa yo. Baket? Dahil nasa-satisfy pa rin yung kaadikan mo. Adik ka nga eh.

Dati nung bata ako ang adik ko sa stationery. Ito yung mga papel papel na may pabango, may mga pictures, at usually ginagamit sa pagsulat ng lab-letter sa nililigawan. Tuwing hapon nagkikita kami ng mga kalaro ko para mag-barter. At yung baon ko na limang piso bawat araw eh di ko ginagastos para lang makabili nito.

Nung high school naman na-adik ako sa MIRC chat at nagpupuyat para lang makipag-ASL at magkunwaring makipagmeet at wala naman talaga balak na gawin un. Tas nung college naadik ako sa Ragnarok at grabeh... Pumayat ako ng sobra haha. Dun ko natutunan maglandi at mang-agaw ng boypren para lang makakuha ng mga gamits hahaha. Naubos ang pera ko (siguro kung makita nyo yung koleksyon ko ng Level up cards eh di nyo maisip na nagamit ko lahat un), at nawalan ako ng oras sa pagtulog, pag-aaral, at ang loser ko wala akong lablayp! Although, dahil sa paglalarong yun, nakilala ko ang isang taong nagpabago ng buhay ko (naks), at nagkaron ako ng maraming kaibigan =3

In the end, naka-get over naman ako sa mga addictions na yun. Pero ngayon... may prospect addiction na naman akong nakikita... at sana hindi na ako malulong pa dito. Kaso... sabi nga ni Yuhenyo, "it's in your blood." Napaka-hirap tanggihan... isang kalabit lang, nanlalambot agad ang tuhod ko at bibigay na agad ako... nitong linggong ito, 2x akong natulog ng alas-sais ng umaga dahil dito... and i just can't get enough. Demet.

Hirap ng buhay adik talaga.

1 comment:

  1. nice, i agree, pati gelpren/boypren nalilimutan dahil adik! hehehe

    ReplyDelete