Tuesday, October 14, 2008

Flooder sa Prenster!!


Ano ba ang purpose ng Bulletin sa Prenster? Di ba para mag-announce ng mga bagay-bagay o para mag forward ng mga sarbey o mga chain letter? Pag ganun mejo kaya ko pa ma-take eh. Kasi kahit papano, pa-isa isa lang ang pag-post ng bulletin.

Pero may mga epal talaga minsan na nagf-flood ng mga bulletin!! Ampucha, sunod sunod na posts na pare-pareho naman ang laman! Ano yon, pa-pansin?? Kaya kung ikaw e isa sa mga tinutukoy ko, tamaan ka sana!!!
  • Hindi PM ang bulletin!!! PM = Private Messaging, in case tanga ka at di mo alam yun. May link na "Messages" sa upper right ng page at kung may gusto kang sabihin sa isang tao, mag-send ka ng message!! Hindi yung ipopost mo para lahat makabasa nito. Anduwag naman! O baka naman tanga ka lang talaga at di mo alam kung pano gawin to. Wag ka na lang magprenster!!!
  • Hindi dahil fino-flood mo yung bulletin e ibig sabihin nun babasahin ng mga tao yan! Wala kami paki, okay??? Pero nakakainis kasi ang mga gusto naming basahin e nasasapawan ng basura mo. Kaya kung magkakalat ka lang naman, jumebs ka sa banyo!
  • Kung magpopost ka ng maraming maraming beses, siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo dahil sinasayang mo lang oras ng mga "kaibigan" mo sa "social network" mo! Hindi ka syuta ng bayan para pansinin ka ng lahat.
  • Para sa mga nagpopost ng CONSTANT UPDATE sa lablayp nila sa bulletin, pakshet kayo! Hindi lahat chismoso at chismosa at hindi lahat may pakialam sa pathetic lablayp mo. Pakalasing ka na lang o kaya maghanap ka ng tunay na kaibigan! Wag papansin!!
  • Para sa mga nagpopost ng pagkabigo nila sa pag-ibig, idol ko kayo!! Sino ba namang tao ang deliberately ginawang tanga ang sarili. It takes guts men! Kaso wala pa din kami paki kung basted ka o pinagpalit ka, alam na kasi naming tanga ka e.
  • Kung nagpopost ka dahil pakshet ang buhay mo, aba eh pakshet ka rin! Lahat ng tao may pakshet na karanasan, hindi lang ikaw! Magbasa ka ng blog na to, marami kang pakshet na makukuha.
  • Dahil nagpost ka na magpapakamatay ka, di ibig sabihin nun na may pipigil sa yo! Di kami ganun ka tanga para patulan yang pag eemote mo. Kung papakamatay ka, gawin mo naman na may style. Wag yung paka-jologs ka sa prenster bulletin amp.

No comments:

Post a Comment