Friday, October 24, 2008

Ang Ahas

Sa panahon ngayon, ang ahas ay isang taong nanunulot ng boypren/gelpren o asawa ng ibang tao. Sila yung bigla na lang eepal sa isang relasyon at minsan ay tinatawag na "third party" dahil sila ang nagiging dahilan kung bakit nasisira ang relasyon. Kung bakit "ahas" ang tawag sa kanila, siguro dahil may kinalaman ito sa instinctive nature ng snakes sa paghu-hunt ng kanilang pagkain.

So bakit nga ba may ahas sa mundong ito?
Simple lang ang sagot. Dahil rin sa mga taong pumapayag na magpa-ahas.

Ang isang tao ay hindi mo pa maitatawag na ahas kung nag-uumpisa pa lang syang umepal. Epal lang ang tawag sa kanya. Kadalasang ginagawa nya eh ang pakikipag-close dun sa pinopormahan nya para di mahalata na may kakaiba pala syang pakay. Kadalasan din dadalhan nya ng pagkain, tatawagan kung nakauwi na, ihahatid o sinusundo sa trabaho/skul, bigyan ng mumunting regalo, at kung anu-ano pa na ginagawa ng isang manliligaw -- pero "as a friend" nya itong ginagawa kasi nasa isang relasyon pa ang kanyang biktima.

Eto namang biktima, syempre matutuwa sa kakaibang gestures na ginagawa sa kanya. Feeling nya napaka-special nya. Minsan umaabot sa point na ikinukumpara nya ang kanyang kasalukuyang ka-relasyon sa epal, at dito nagsisimula ang kanyang pagdadalawang-isip.

Pero wait lang, hindi lahat ng biktima ay umaabot sa point na igi-give up nila ang ka-relasyon para sa epal. Kung nasa matinong pag-iisip ang biktima, at kung mahal nya talaga ang ka-relasyon, hindi sya papayag na tong si epal eh talagang umepal sa relasyon nya. Kung talagang tapat sya sa relasyon nya, gagawa at gagawa sya ng paraan para ma-preserve ito.

Subalit may mga taong... madaling matukso ng temptasyon ng isang epal. At dahil dito pumapayag sila na dere-derecho ang pang-eepal ng epal hanggang sa sulok ng kanilang kwarto. At dahil dito, nasira ang kanyang relasyon... At nag-transform rin ang epal sa isang Ahas. Dahil pumayag ang kabila na magpa-ahas, ganap na ahas na rin ang isang epal.

Ang masasabi ko lang: kung epal ka, sana makahanap ka ng katapat at mapahiya ka. Kung ahas-able ka naman, sana makahanap ka ng stalker na partner para kahit magpa-ahas ka man, wala ka pa ring kawala!!

No comments:

Post a Comment