Tuesday, September 23, 2008

Yahoo! Messenger

Mahilig ako makipag-chat sa YM, lalo na pag wala ako masyado ginagawa, o kung meron man eh tinatamad ako. Parang kulang ang araw ko pag hindi ako nakaka-log in sa YM eh, kahit naka-invisible mode lang ako minsan. In fairness, andami ko na friends. Umabot na sa 360+, at karamihan dito eh mga nakilala ko dahil sa mga nilalaro kong online (Ragnarok, Cabal, MonstersGame, etc).

Ang nakakatawa sa Ym eh pag nag-log in ako, andami-dami-DAMIng status message na ansarap-sarap-SARAP okrayin. Hindi ko lang alam kung nagiging "standard" or "required" na ang paglagay ng status message, pero halos lahat ng tao meron nito eh. Eto magbibigay ako mga example (sensya na kung isa ka dito hehehe):

You can't break my heart because it already stopped beating. Jusko day ang emo mo naman farekoy! Di ko alam kung may pinapatamaan ba to o wala pero kung meron man, ang olats naman! Di kayang sabihin ng derecho, nagpapaka-olats na lang sa Ym.

Song lyrics. Woohoo, ito ang typical na status message. Kadalasan lyrics ng NAPAKA-EMO na kanta (tulad ng Your Guardian Angel o kaya yung Finch songs). So meaning, kung wala ka mailagay na status message, kuha ka ng kahit anong kanta tas lagay mo. Mas okay siguro kung lagay mo eh yung mga tipong "Ojo kaluguran daka" para mas kapansin-pansin.

Naliligo, kumakain, mamaya punta ako sa comp shop, bad trip today hindi nya ako pinansin.... At kung anu-ano pa. Ito yung mga feeling special. Syempre, may ibang tao talaga na gusto nilang ipaalam sa buong social network nila ang kanilang ginagawa at kung ano ang kanilang nararamdaman. Sa kabutihang palad wala pa ako nakikitang status message na "tumatae ako." Siguro tong mga to feeling nila eh masyadong interesting ang bawat aktibidades ng buhay nila.

G@g0 ka, T@** I** mo, eto ka ,,i,,. Whoa, kung may feeling special, meron din duwag. Nag-hasik pa ng profanity sa social network nya para lang masabi kunwari na minumura nya yung kaaway nya. Dapat sa ganito sapakan na lang eh.

Do not disturb. Pucha antanga nito. Kung ayaw mo magpa-istorbo, eh di wag ka mag-log in! O kaya mag inbisibol ka para kung sino lang gusto mo kausapin eh yun lang i-pm mo. Kunwari pa to, busy at do not disturb daw, pumepetiks naman talaga.

Pero sa totoo lang, guilty rin ako minsan sa ganitong status message eh. Kaso meron lang talaga araw na hindi ko ma-take yung sobrang ka-artehan ng mga status message kaya minsan nilalagay ko na lang: . Kaso yung iba pati yan eh ginagaya pa. Napakaraming manggagaya ng status message sa Ym!! Mga walang originality buset!!

No comments:

Post a Comment