Wednesday, September 24, 2008

Random Pak-shets

Huwaw, andami ko ata pakshet ngayong araw na to. Actually, simula kagabi pa. Kaso masyado lang akong busy ngayon (Hanep!! BUSY ako pucha pa-misa na kayo!!) kaya di ako nakapagsulat. Anyways. Pak-shet.

--

Bat ba andaming maaarte sa GG no?? Lalo na pagka-create ng game, biglang may sasabat "koya may kasama po kami, di po makita yung laro nyo tunnel nyo po." Tapos etong si koya naman, "na-tunnel ko na." And it goes around in an endless cycle hanggang sa pumuti na yung buhok ng ibang mga players na sumali sa game. Kasi bakit napakaaa-tagal naman ng antayan para sa isang laro??? At andaaaaaami-dami pang arte!! "Magkasama po kami," o kaya "Sentinel po me," o minsan "Ako na lang po create game para makita nung kasama ko," at kung ano pang ka-OAhan. Hay. Ganito talaga siguro ang kasabihan na kelangan mo ng pasensya para makuha ang gusto mo.

--

Ang mga babae nag-ggym para masuot nila yung mga maliliit na damit at maging seksi sila tingnan. Ang mga lalaki ganun din. Nag-ggym din sila at nagpapalaki ng katawan para maka-suot rin sila ng mga maliliit na damit. Hanlabo naman!

--

Ang hirap pag nagmumukha kang tanga sa loob ng opisina no? Lalo na pag may mga bagong empleyado at isang beses pa lang kayo napa-kilala. At lalo pa kapag masyado kang friendly na kahit makasalubong mo lang eh di mo maiwasang mag-smile at kumaway. Kasi pag kunwari nakasalubong mo tas kumaway ka at nag-ismile eh aabutin ka lang pala ng dedma at tingin sa kabilang direksyon, wow mare, dasal ka na sana walang nakakita sa yo kundi magmumukha ka talagang tanga! Kaway kunwari sabay ayos ng buhok. Haha! Parang ako kanina yun ah! Pakshet naman!

No comments:

Post a Comment