Thursday, September 18, 2008

YahooGroups

Para saan ba ang mga YahooGroups! na yan? Sa pagkaka-alam ko, may tatlong purpose yan eh:
1) Para sa News/Announcements
2) Para sa collaboration ng mga members (group messaging)
3) Para sa mga jokes/chain letters/kabastusan/walang kwentang forwarded emails

Kaso kagabi nung pinakita sakin ni Mr. M ang kanyang inbox, nagulat ako na ang YahooGroups pala eh pwede rin gawing TELENOBELA!! Jusko naman!!!

Ganito kasi yun. May isang girl (tawagin natin syang si Miss1) na dapat eh ikakasal na sa isang Guy (tawagin natin si Mr1) kaso sa kasamaang palad eh naghiwalay rin yung dalawa. Humingi ng "space" si Miss1. At pagkatapos ng ilang buwan, si Miss1 ay nakahanap ng Mr2. Nalaman ngayon ito ni Mr1 at dahil sa bitter ang lolo mo, hindi nya ito matanggap!

At ang pinakamasaklap sa lahat.... Ang tatlong ito ay magkaka-batch sa High School nila!!!

Dahil sa kaguluhang ito, ang love Triangle ngayon nila ay naka-detalye sa kanilang YahooGroups. Kaya nung nakita ko yung inbox ni Mr. M, meron syang 100+ Unread messages at puro yung love triangle na yun ang pinag-uusapan! Naman naman! Napaka-sayang ng space!!!

Kasi tong si Mr1, wala na daw syang alam na paraan para ipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Miss1 (bobo naman). Dahil hindi pa umaamin itong si Miss1 at si Mr2 na sila na nga, ayaw tumigil sa kaka-spam ni Mr1!! Kelangan daw nya marinig mismo kay Miss1 na mahal nga nya tong si Mr2 (huwaw). Haynako! Andami pa naki-usyoso, mga nakikisawsaw sa isyu. Kesyo nagbibigay daw ng advise, kesyo nagagalit daw, kesyo naiinis daw sa spam. Eh ano ba, bat di nyo na lang i-ban yang tatlong yan para di na mag-hasik ng lagim dyan sa YahooGroups nyo? Kunwari pa tong mga to, gusto rin nilang maki-tsismis eh.

In fairness ang haba ng hair ng gurlaloo na ito! Ayoko na lang mag comment kung worthy ba sya sa pagka-haba ng hair nya (oops, nag comment na ata ako).

Haynako tong mga YahooGroups na to nagiging prone sa pagiging melodramatic telenobela. Minsan naman may mga suicide notes na sini-send dito. At minsan ang away mag-syuta dito pa nilalabas. Di na nahiya sa ibang miyembro! Mga Spammers kayo!!!!

No comments:

Post a Comment