Friday, September 12, 2008

Pag-Asa

Sinulat ko to Nung Lunes sa aking Multiply Site, nakalimutan ko lang i-post dito hehehe.

Sa proseso ng ligawan or getting-to-know or kung ano man yung tawag dun sa stage na medyo obvious na may gusto si lalaki kay babae or vice versa, minsan ang tanong eh "may pag-asa ba ako?" Madali lang sagutin yan eh. Oo or hindi lang naman ang sagot, di ba?

Pero ang mas mahirap na tanong eh, pag binigyan mo ba ng pag-asa, binibigyan mo na rin ba sya ng karapatan? Karapatang magselos? Malaman ang bawat galaw mo, pati skedyul mo? Mag-astang boypren/gelpren?

Ito ata ang pinaka-misunderstood na question sa mundo, at kadalasan di alam ng mga tao na ang PAG-ASA ay hindi OO. Naalala ko dati may isang taong binigyan ko ng pag-asa, sabi ko "siguro pag-graduate pwede." Eto naman si mokong, aba nakikipag holding hands na saken! Tapos pag may ibang umaaligid, aba nagagalit ang lolo nyo! Dahil dun, nasakal ako. Anlabo no? Di pa nga kami, sakal na ako hahaha. Ayan tuloy, dahil sa pag-asa na yan, nasira ang aming pagkakaibigan.

Dalawang dahilan lang ang pwede kong mabigay kung bakit nagbibigay ng pag-asa ang isang tao. Una, dahil talaga namang may pag-asa, at like rin ni boy/girl si manliligaw (yihee!). Yung pangalawang dahilan, at masama ito tandaan nyo, ay ang pagbibigay ng pag-asa dahil ayaw makasakit.

Technically, pag binigyan mo ng pag-asa ang isang tao, ibig sabihin nito ay may possibility na maging kayo. Take note: POSSIBILITY lang. Pwede rin hindi mangyari (Murphy's law: anything that can go wrong, will go wrong). So technically, wala pa din karapatan ang boy or girl na binigyan mo ng pag-asa na mag-astang ka-relasyon mo. Kasi HINDI pa kayo eh. Pwede LANG maging kayo, pero hindi PA.

Ang kadalasang nangyayari kasi, pag binigyan na ng pag-asa, nagfi-feeling na. Feeling. Assuming. Kapalmuks in other words. Okay lang naman kung mag-feeling kung gusto rin ng nililigawan mo. Yung pag-asang dahil like ka rin nung isa, malamang magiging kayo nga. Pero kung yung pag-asa dahil ayaw ka lang masaktan, aba'y delikado ka dyan, tsong. Baka sampalin ka lang sa pagfi-feeling mo.

Ang bottom line lang ng aking mahabang pagsasalaysay ay: Kalimutan mo na ang pagbibigay ng pag-asa dahil ayaw mong makasakit. Saktan mo na lang habang maaga pa, kaysa baka magpakamatay pa yan dahil sa sobrang asa. Or mas mabuti pa siguro kung di na lang tinatanong yung "May pag-asa ba ako?"

1 comment:

  1. I can relate to that.

    However, we're all unsure of naman kung sino talaga makakatuluyan natin in the future, kahit na matagal na naging kayo ng gf/bf mo.

    For guys naman, learn to let go pag sinabing ayaw sau.

    At totoo, di mo malalaman ang sagot, kung di ka magtatapat ng iyong damdamin sa isang nilalang na nagugustuhan mo.

    ReplyDelete