Tuesday, September 16, 2008

Loser

Pumasok ako kaninang umaga na parang may donut ang mata. Naglalakad ako na parang lasing, at ang processing power ng aking utak ay na-reduce na ata sa zero. Malas ko lang may meeting ako kaninang alas-dyes, at dahil ako ang nagtawag ng meeting na yun, medyo palpak ang kinalabasan dahil 1) Nagsu-stutter ako; 2) Incohesive ang aking mga sentences; at 3) Ubo pa ako ng ubo.

Bakit kamo? Dahil sa bwiset na Dota.

Alas-Tres na ako nakatulog kaninang umaga. Naka-2 games nga lang ako eh. Pano, hatinggabi na dumarating yung mga ka-laro ko kaya ganung oras na rin ako nakakalaro. Okay lang din naman sa akin yun, kasi simula 9PM hanggang 12 midnight eh naglalaro rin ako ng Cabal at MonstersGame, at nagbabasa rin ako ng One Piece na manga.

Kaso grabe, men. Kakaiba ata ang tama ng antok sakin ngayon, lalo na yung may overdose na ata ako ng Neozep dahil sa walang tigil na sipon na to. Parang akong naka-drugs, naka lutang at walang kalaman-laman ang utak.

Pagdating ko sa opis nakita ko yung kalaro ko kagabi na dala-dalawa yung eyebags. Bwahahaha!
Sabi nya, ako lang daw ata ang babaeng kilala nya na nagpupuyat para sa laro. Sabi nung isa, ako lang daw ata ang babae sa GG na naglalaro ng ganung oras. Tas tanong naman ng isa, "ano pa ba ginagawa mo aside from laro?"

Shet. Napa-isip ako dun sa tanong na yun ah. Ano pa nga ba ginagawa ko aside from laro? Hmmn... Isipin ko ah. 1) Nagbabasa ng Pugad Baboy; 2) Nagbabasa ng Manga/DC Comics; 3) Nanonood ng TV; 4) Nagbo-blog...

Holy Karabaw!! Waaah wala akong social life! Or better yet, wala akong LIFE!!! Jusko!! Ang pathetic ko naman hahaha. Naisip ko lang na isa ata akong LOSER! Geek na nga, loser pa! Nyahahaha.

Pero sa tingin ko di naman ganun eh. Di ako mahilig gumimik kasi mas gugustuhin ko pa gumastos sa pagkain kesa dun. Pero, mga 2x a month din ako lumalabas kasama ang mga kaibigan, at 1x a week kasama ang officemates. At lagi naman kami lumalabas ng aking bi-ep. (although minsan lumalabas kami para mag dota)... Hindi pa naman ako mukhang geek (at least sa pananaw ko). May social life pa naman ako, andami ko nga Friends sa Prenster eh (although kalahati siguro nun nakilala ko sa mga online games na nilalaro ko). Kahit papano, may LIFE pa rin naman ako at hindi naman ganun ka-Loser. Medyo lang.

Haynako. Andami ko na satsat. Neozep + Kape + Ventolin + Puyat = Walang kwentang pagsusulat.

No comments:

Post a Comment