Friday, September 19, 2008

I Hate Sipon

Pramis, hate na hate ko talaga pag umaandar na naman yung allergic rhinitis ko at hini-hika na naman ako at on the verge of having trangkaso (ang sosyal pakinggan ng sakit ko ah). Demet.

Pag sinisipon kasi, andaming galamay na sumasama dito eh. Lagnat, ubo, sore throat, sakit ng ulo, sakit ng katawan, at kung anu-ano pa. Pero ang pinaka-ayoko talaga sa sipon eh yung mga effects nito:
  • Ngongo. Nag-iiba ang boses kapag sinisipon. Minsan nagiging boses baklush pa dahil may namamaos effect pa ito. Tas pag tumatawag ka sasabihan ka ng kausap mo "May sakit ka?" Obvious ba...
  • Gripo. Ubos ang tisyu at punung-puno yung panyo ng sipon dahil non-stop ang pagtulo nito mula sa ilong. Minsan pa, medyo kadirs pag napasinghot ka ng sobra eh nalalasahan mo na yung sipon! Yak, men!
  • Rudolph. Red nose na kasi dahil sa sobrang sipon. Minsan pa namamalat na yung gilid ng ilong dahil sa pagpapahid ng tisyu o panyo.
  • Kulangot. Ito ang pinaka-ayaw ko talaga sa sipon. Parang andumi dumi ng ilong mo pag yung sipon mo eh tumitigas to dahil sa hangin. Isang kalabit mo lang sa butas ng ilong mo parang bilyones na kulangot na ang nakukuha mo. Yak!!
Kaya sana naman, gumaling na tong sipon ko!!!!!

No comments:

Post a Comment