Monday, September 29, 2008

DotA Quitters Lines II

Kaninang umaga pagpasok ko, may nakasalubong akong tatlong kids (take note, KIDS, as in mga 12 years old ata) na naka-uniform pa at ang pinag-uusapan nila eh... Dota! Sabi nung isa, anlakas daw ng Razor nya, may 2 Butterfly at 1 Radiance (wow!). Sabi naman nung isa yung Centaur nya di namatay ni isang beses. Tingin ko di papasok tong mga to, maglalaro to buong araw.

Kaya ko naisipan magsulat na naman tungkol sa DotA...

Pakshet naman sa GG. Ang hirap hirap maghanap ng matinong laro. Andami leavers. Bihirang bihira akong makatapos ng laro, at kadalasan pa nito talo. Pag mananalo naman, nagk-quit yung mga kalaban. Ano kaya yun. Wala na ba akong karapatang manalo, ha??

Pagkatapos ng isang linggong pag-post ko nung Dota Quitters Lines, aba'y akalain mong madadagdagan ito!? Pag sa GG talaga ang c-creative ng mga dahilan! Eto mga bagong reasons:
Time na po ako eh, wala na me pera pang-extend... Jusko naman! Laro ka sa GG tapos limited lang pala oras mo. Anlabo sana di ka na lang naglaro!

Nag fatal error kasi... Bwahahahaha!! Bulok PC mo 'tsong!

Iiwan na po kami ng bus kailangan na namin umalis. Engot naman nito!! Aalis pala, sisingit pa ng dota.

May kasama po ako sa kabilang room, lipat na me. Sidekick ka ba?? Kelangan ba kalaro mo lagi yung kasama mo??

Tawag ako ng GF ko, AFK muna. &@&$#@&$ Pag naglalaro, walang GF/BF! Mag time management ka nga!!!

Ang bobo ng kakampi ko, feeder pa! Wala na saysay tong laro. Sabay quit. Sobrang dalas ng palusot na to, lalo na dun sa mga feeling magagaling at di marunong mag Elune's Arrow. Waw naman, ang dramatic ng exit! Sinisi pa yung iba!

I've failed. Eto sabi ni Techies bago sya umalis. Failed siguro sa paglagay ng bomba nya. Pano kasi, puro pakamatay, wala naman napapatay. Buti sana kung sya si mk73mhz or si PC #1 na beyond Godlike. Oh well, pag nabigo ka sa hero mo, ang style pala ngayon eh mag-quit na.
Nyahahaha! Siguro pagtapos ng isang linggo madadagdagan ulet to. Pag meron kayo alam sabihan nyo ko ah! Gawa tayo compilation hehehehe.

1 comment:

  1. Eto matindi,

    "Manganganak na misis ko.(Sabay quit)"

    xD

    ReplyDelete