Monday, September 22, 2008

DotA Quitters Lines

Sabi ni Sputnik nung Byernes, magsulat naman daw ako tungkol sa dota. Tapos naalala ko na may post ako dati sa Multiply ko tungkol sa dota kaya lalagay ko na lang dito (pero edit ko ng konti) hehehe.

Napakaraming quitters at leavers sa dota. Lalo na pag sa GG (GG-Client/Garena), andami-dami-dami-daming nagq-quit dahil sa 1) Internet connection nila bulok; 2) PC nila bulok; 3) Namatay ng isang beses; 4) na-first blood; 5) nangungupal lang.

Sa LAN games naman, di mo pwede gawin excuse yung internet connection. Sa na-experience ko sa LAN games, kakaiba ang dahilan kung bakit sila biglang umaalis sa laro, o bigla na lang magsasabi na "RM na mga tol." Eto ang mga kakaibang quitter's lines:
Yung mouse ko kasi biglang tumatalon.
Actually, minsan nangyayari nga talaga sya, pag sira yung mouse mo. At minsan naman, nasa mousepad ang kapangyarihan. May mga shop na sablay rin yung mouse at walang mousepad kaya medyo forgivable pa to.

&$(%*&%! Sira kasi yung speakers ko!
Okay... ang laki pala ng impact ng sounds sa laro.

Ang pangit ng resolution ng screen ko!
Hmmn... bakit kasi hindi sinet ang resolution ng screen bago maglaro. Haller?

Combo heroes kasi gamit nyo! Palit heroes nga!
Tara palit heroes na!!!

Mali yung map na pinili mo! Sira na build ko!!
Wawaweee! Ang map ay may kinalaman sa build! Pero yung map po nasa kanan ng screen pag sumali ka sa geym. Nasa upper right rin po sya pag nag-start na yung game.

Benta kasama ko, aminin nyo na mga P#+@^& !^@ nyo! Magkakasama kayo!
Napaka-saklap nito. May ibang noobs at newbs lang talaga sa laro at pag nakampihan ng feeling super galing eh napapagbintangan tuloy. Kawawa naman sila!

Babae kasi kasama namin.
Utot nyo!! &*%^#$&*@($&*(@#$
Pag may na-encounter ulet ako na kakaibang dahilan, lalagay ko dito hehehe.

1 comment:

  1. parang kilala ko lahat ng nagsabi nito ah??!!!

    hehehe!!!

    sino pa e di si LESTAT DA MALISIYUS!!!!

    ReplyDelete