Tuesday, July 29, 2008

GMA at ang kanyang SONA

Sabi ni GMA sa kanyang SONA:

As your president, I will let no one -- and no one's political plans -- get in the way of the wellbeing of our people. I will let no one hinder our people's progress and prosperity. I will let no one threaten our nation's survival. This... Is.... My... Commitment.

Oh--kay... Wala ako ma-say. Kaka-basa ko lang ng draft SONA speech nya and I can't help but get the feeling na binu-bullshit lang ako. Apathetic citizen ako ng Pinas pero updated naman ako sa mga nangyayari. At nadi-disappoint ako kasi the person with the power to build or break the nation is the same person who spoonfeeds you with rainbows and butterflies when reality tells you you're in deep shit. Ano yun, paasa? Pagsisinungaling? Or ginagawa nya lang talaga tayong tanga?

Sabi nya may massive rice production daw tayo, and that since 2001, rice production is 2x bigger than population growth... Pero bakit ganun, naubusan pa rin tayo ng bigas?

Sabi nya andami daw na-gain natin dahil sa "effort" nila to fight corruption, which includes allocating Php 3 Billion++ for gathering and filing of hard evidence against corrupt officials... Di ba inamin nya na dati na cheater sya sa elections? Hehe, nasa pwesto pa rin sya. Wala lang.

Hay. Andami pa nyang "stuff" na sinabi. Ayoko lang isa-isahin baka ma-depress ako lalo. Pero in fairness, nagpasalamat sya sa TAXPAYERS. Welcome rin, madam presidente.

At dun sa commitment statement mo, ewan ko lang. Di na nga ako makapaniwala sa mga kwento at numero mo, maniniwala pa kaya ako sa commitment churvaness mo? Haynako!

No comments:

Post a Comment