Tuesday, June 3, 2008

Wag Durara

Sa wakas, may nakita rin ako sa TV na commercial tungkol sa ugaling pinoy na pagdura dito, dura doon. Tagal tagal ko nang problema tong mga durara. Bwiset kasi pag naglalakad ka minsan, kelangan mong maging attentive sa dinadaanan mo kasi baka may maapakan kang plema na naninilaw-nilaw pa at fresh na fresh. Tapos pag umuulan pa, naghahalo ung dura at tubig ulan. Kawawa naman yung paa mo lalo na pag naka-tsinelas o sandals ka lang. Sandamakmak na germs agad ang nakukuha mo. Pinaka-bad trip pa sa lahat kung may durara na di tumitingin kung san dumudura, at sa damit mo napunta ang toxic na mucus na ito.

Sana naman no, may pumansin sa campaign ad na ito at para naman matigil ang pagiging durara ng mga tao. Para naman kahit papano eh maging malinis ang mga kalye natin.

No comments:

Post a Comment