Wednesday, May 7, 2008

Trendsetter vs. Jetsetter

Sabi ng officemate ko kanina, "Buti pa tong si Pats, trendsetter!"

Syempre naloka ang lola nyo, charing naman, trendsetter pala ako! Di naman ako mahilig sa mga fashion fashion na yan, pero to receive such comment, pumalakpak talaga ang tenga ko.

Na-shy ako, sabi ko na lang, "Naku hindi noh, bakit mo naman nasabi yun?" Fishing pa ako baka may sabihin pa syang maganda.

Sagot nya lang, "Eh andami mo na napupuntahang lugar eh, lagi ka nalang umaalis at lumiliipad."

Jusko day, gusto ko i-untog ang ulo ko sa pader.

No comments:

Post a Comment