Tuesday, February 21, 2012

Kakaibang News

Meanwhile, in Pilipinas...

Kakaibang news ang aking na-collect! Nakaka-loka talaga ang mga news na ito! Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot sa mga nangyayari hahaha! ENJOY!

Unang una sa lahat, itong nakaka-loka na nagpapa-cute sa news! Siguro alam nyang kinukunan sya ng picture kaya itong si Koya ay todo-project! Ang fooogi!!

Naalala ko 10 years ago (pakshet, 10yrs na!!) noong first time ko pumunta sa SG dahil sa isang programming competition (yuck, ang geek ko) at ang venue ng competition nun ay ang NTU (Nanyang Technological University). Manghang-mangha ako noon. Kaya laking gulat ko na lang noong nakita ko ito! Tawa na lang ako nyahaha!

Kung sino man itong radio caller na ito, idol ko sya! Trolling like a boss!

Nakakalokaaaa! Kaya kayong mga babae, hinay hinay lang sa pag-games!! Kung mag-adik man kayo sa computer games, turuan nyo na agad ang asawa nyo at ang mga anak nyo para hindi nila masabi na napapabayaan mo ang pamilya mo wahaha!

SANA NOON PA ITO NOONG ESTUDYANTE PA AKO!!

Ito talaga hindi ko ma-keri!! As in napa-kamot ako sa ulo! Siguro sobrang T-Gangers na si lolo at hindi na matiis ang pangangati kaya pati kalabaw eh pinatulan na! At mind you, 2 and 1/2 hours pa itech! Nakaka-loka, siguro nag-V ang lolo nyo!

Buti na lang nung estudyante ako, nagpapa-kopya ako. Nyahahaha!

Buti na lang hindi ako ganun ka-sipag!! Wahaha!!




Read more...

Monday, February 13, 2012

Bakit Maraming Naka-Dress Tuwing Valentines


Kanina habang bumibili ako ng lunch sa Jabee, napansin ko na halos lahat ng babae na nasa pila ay naka-dress! Merong floral, plain, monochromatic, plunging, at iba't ibang uri ng mga dresses na sumalubong sa akin. Tapos naalala ko bigla, ay oo nga pala Valentines ngayon! At ang masaklap dito, pagtingin ko sa sarili ko, naka-palda rin pala ako wahahaha!


Napa-isip tuloy ako, bakit nga ba naka-dress ang karamihan sa mga babae ngayon? Naalala ko rin ang tanong ng isa kong opismeyt simula pa kahapon, "Magdedress ka ba bukas, Patsy?" Hmmm, ano ba meron bakit parang big fuss ang pagde-dress? Hindi ba normal lang naman ang magdress, at hindi kailangan tuwing Valentines lang gawin ito?

Habang naka-pila ako sa counter, marami akong naisip na dahilan kung bakit nga ba parang big deal mag-dress ngayong araw na ito:
1) May Date: Syempre kung may date ka, tama nga lang naman na magpa-ganda ka at ipakita ang pagkababae mo. Aminin nyo, kakaiba ang dating ng babaeng naka-dress -- mayroong femininity, elegance at grace (yes naman, taruushhh!!) na nagra-radiate sa kanila. At kapag ang venue pa ng date nyo eh medyo susyalin at bongga, swak na swak ang pagde-dress mo, Inday! Sana lang hindi ka matalisod sa super mega over high heels mo!
2) May Booking: After ng date, ito ang party para sa mga mag-jowa at mag-asawa! Gaya ng sinasabi ng kaibigan ko taon-taon, for the past 7 years walang kupas: Lilindol na naman sa Pasig at Pasay sa gabi ng Valentines day. Nyahaha!
3) Walang date pero lihim na nagpapa-pansin at umaasang may makikipag-date sa kanila: May mga babae na nag-dedress para magpapansin sa crush nila. Kung hindi naman nila normal na gawain ang magdamit, aba eh talagang papansinin sila ng mga tao. Sa loob-loob naman ni gurlaloo, "Sana yayain ako ni Dudung makipag-deyt mamaya!!" In fairness, minsan epektib itech!
4) Walang date pero press release nya na meron: Pag naka-dress ka kasi, iisipin ng mga tao na may lakad ka kaya todo japorms ka. Para naman hindi ka magmukhang loser di ba? Nyahahaha!
5) Pampalubag loob: Dahil wala kang jowa, walang may gusto sayo, at wala kang date, pampa-lubag loob mo na lang ang pagde-dress. Para bang pinagsisigawan mo sa mundo na "Care ko kung Forever Alone ako ngayong Valentines, masaya naman ako!" Pero sa totoo lang eh talagang crying in the dark ka. Don't worry ate, konting landi pa!
So kung naka-dress ka ngayon, alin ka sa mga iyan? Napa-isip nga rin ako eh, kasi nga naka-palda ako ngayon. Pero wala ako dyan sa mga na-enumerate ko... kasi special case ako. Kung may choice lang kasi magpapantalon ako wahahhaa. Kaso wala akong labandera nitong linggo at tambak ang labada ko for 2 weeks na, wala na ako maisuot kaya yung mga hindi ko normally sinusuot eh kailangan ko na talagang suotin. Pakshet!

Happy Valentines sa inyo!!
At Happy Valentines sa Balentino kong nasa kabilang parte ng mundo!! Labyu!!



Post Before “read more”

Read more...

Monday, February 6, 2012

The!! (Part 1 and 2)

The! Part 1

We' ve been friends for a long time ago. We come from the same alma mother. Actually, our paths crossed one time on another. But it's only now that I gave him a second look. I realized that beauty is in the eyes. The pulpbits of my heart went fast, really fast. Cute pala siya. And then, he came over with me. He said, "I hope you don't mine. Can I get your number?" Nag-worry ako. What if he doesn't give it back? He explained naman na it's so we could keep intact daw. Sabi ko, connect me if i'm wrong but are you asking me ouch? Nabigla siya. Sagot niya, The! Aba! Parang siya pa ang galit! Persona ingrata!!! Ang kapal niya! I cried buckles of tears.

Na-guilty yata siya. Sabi niya, isipin mo na lang na this is a blessing in the sky. Irregardless daw of his feelings, we'll go ouch na rin. Now, we're so in love. Mute and epidemic na ang past. Thanks God we swallowed our fried. Kasi, I'm 33 na and I'm running our time. After 2 weeks, he plopped the question. "Will you marriage me?" I'm in a state of shocked. Kasi mantakin mo, when it rains, it's four! This is true good to be true. So siyempre, I said yes. Love is a many splendor.

Pero nung inaayos ko na ang aming kasal, everything swell to pieces. Nag-di-dinner kami noon nang biglang sa harap ng aming table, may babaeng humirit ng, "Well, well, well. Look do we have here." What the fuss! The nerd ng babaeng yon! She said they were still on. So I told her, whatever is that, cut me some slacks! I didn't want this to get our hand kaya I had to sip it in the bud. She accused me of steeling her boyfriend. Ats if! I don't want to portrait the role of the other woman. Gosh, tell me to the marines! I told her, "please, mine you own business!" Who would believe her anyway?

Dahil it's not my problem anymore but her problem anymore, tumigil na rin siya ng panggugulo. Everything is coming up daisies. I'm so happy. Even my boyfriend said liketwice. He's so supportive. Sabi niya, "Look at is this way. She's our of our lives."

Kaya advise ko sa inyo - take the risk. You can never can tell. Just burn the bridge when you get there. Life is shorts. If you make a mistake, we'll just pray for the internal and external repose of your soul. I second emotion.

The! Part 2

I thought Jay's ex-girlfriend was really out of our lives. But heaven only goes that I was wrong. Kakakasal pa lang namin nun when Jay received a uninamous text. "Meet me at the clinic." I had a stinking feeling in my butt. I told him not to go. It might in danger him. Pero sabi niya, ok lang daw because life is what we make. Tumahimik lang ako. Sabi niya, "Penny for you talks." But I didn't know what to say. Beggars can't be losers. Isa pa, worried talaga ako na baka yung girl yun. Jay said, "Can't got your tongue?" I tried to smile at him. Kahit di ako nagsalita, actions speak louder than works, di ba?

Be that as is may, umalis pa rin siya. I was out of the loophole. After a few hours, I called him on his cellphone. But my calls fell on Jeff's ears. Lalo akong nag-worry kasi I didn't even know Jeff. Sabi
na nga ba di na dapat umalis si Jay. That's what I'm talking about it.

So I tried calling some friends who will help me find Jay. That's what friends are for naman di ba? But I just faced a blank mall. I had to do this alone. Nag-taxi na lang ako. Pero ang mahal na pala ng plug
down rate.

When I got to the clinic, the security was really buffed up. Di basta-basta makakapasok. So I said, "I beg your cordon. I'm patient. It's my favorite virtue nga e." Nagduda yata yung isang guard. Hinawakan ako sa arm. The nerd! I shouted, "Don't touch me not!" Buti na lang the other guards were nice and said, "Come on, let's join us."

When I went inside, parang I've been there, done there. Nung walang nakatingin, nag-explore ako. Nakarating ako sa top floor and I had a bird's IQ of the clinic. I could not explain it but I was drawn to a
room on the floor. Siguro Divine Intermission na yun.

Parang may narinig akong umuungol. I was thorn. Di ko alam kung aalis ba ako o papasukin ko. It made me stick in the stomach to think that Jay and his ex-girlfriend were there. I tried to tell myself to slower my expectations. But to tell with it! I had to strike while the iron is not. I had to hear the truth from the corpse's mouth. I barraged in. O my gas! Si Jay, naka-strap sa operating table, parang genie pig sa isang nakakatakot na experiment. He was on the cutting edge. He was bleeding. At ang doctor na nagpapahirap sa kanya, ang ex-girlfriend niya at ang bago nitong boyfriend, ang nurse na si Walter. Doon ko napatunayang blood is thicker than Walter.

Guess watch? Di ko alam kung paano ko nagawa pero I was able to search and rescue Jay. Siguro adrenaline brush na yun.

Now, he's recovering. Nag-sorry siya na hindi siya nakinig sa akin. I know it's a better pill to swallow your fried so it's forgive and forget me not. All swell that end swell. I know we should kiss and put on makeup.

Ang ex-girlfriend naman niya at si Walter, nakakulong na. Detention is really better than cure. So the moral of the lesson is: if symptoms persist, insult your doctor.


Read more...

Saturday, January 28, 2012

Jabee and Mcdo

Kilala naman siguro natin lahat si Jabee, at meron ako post dati tungkol sa pagiging normal ni Jollibee, at sa iba't ibang  aspekto ng kanyang buhay. Oo, meron rin syang mga panahon ng kasiyahan at pagdurusa katulad nating lahat. In fact, si Jabee mahilig rin yan sumabay sa uso. Noong nauso ang Nobody na kanta ng Wondergirls, agad nya itong natutunan at sinayaw nya sa bawat party. Noong nauso ang "Teach me how to dougie," nagpakitang gilas din sya sa kanyang mga bisita. Noong nauso din ang planking, aba hindi papatalo ang pinakamamahal nating si Jabee.


Sa totoo lang, hindi madali ang ginagawa nya. Mahirap rin matuto agad-agad ng mga latest na sayaw para mapasaya ang kanyang mga bisita. Ang hindi nyo lang alam, minsan ibinubuwis pa nya ang kanyang buhay para lang mapasaya kayo! Katulad na lang nitong ebidensya na nahanap ko, diving like a boss!

Minsan, nakasalubong ko sya habang naglalakad sya sa kalye, naisipan kong itanong kung ano ang tingin nya sa kanyang long-time rival na si Ronald McDonald.




 Nagulat ako sa sagot nya, kasi sa kabila ng pagiging rivals nila, sila pala ay talagang magkaibigan. Katulad ng pagkakaibigan ni Naruto at ni Sasuke, kahit magkalaban sila sa industriya ng pagkain, nananatili pa rin silang magkaibigan sa labas ng kanilang trabaho. Nakakatuwa di ba?



Pero may ibinulong sa akin si Jabee na pinag-iisipan nya ngayon tungkol sa kaibigan nyang si Ronald, at talaga namang ikinalungkot nya ito. Ayon sa kanya, masyado na daw ngayon nalululong si Pareng Ronald sa pagiging Chick Magnet. Nakakalungkot daw kasi mga bata ang dapat nilang pinapasaya, at hindi ang sarili nila. Sa umpisa, hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Jabee, pero noong nakita ko ang mga larawang ito, naintindihan ko na ang sinasabi nya.






Pareng Jollibee, alam ko nalulungkot ka sa nangyari kay Pareng Ronald McDonald. Pero sa tingin ko nag-eenjoy naman yang kumpare mo kaya maging masaya ka na lang para sa kanya. Pwede mo rin sya gayahin para pareho kayong mag-enjoy. Basta ang masasabi ko lang, mas masarap ang manok mo kaysa kanya.


Read more...

Tuesday, January 24, 2012

Dota Player of the Week: ROM

Another week, another ultra-mega-gwapo dota player! At sa linggong ito, swak na swak ang term na FRESH MEAT sa ating player of the week! Baket? Fresh na fresh pa ang binatang ito, tingnan nyo na lang sa mga piktyurs!! Ang feature natin ngayon ay myembro pa rin ng grupo ng mga mahihilig sa plastik at makamunduhang bagay (sabi ko sa inyo eh, puro gwapo ang mga members ng group na ito!!). Hindi ko pa sya nami-meet personally pero ang balita ko sa kanya, sya ay isang GUMIHO-MAN! Hindi ko alam kung bakit ganun ang tawag sa kanya... at ayoko rin isipin kung bakit wahaha!

Without further adieu, I now present to you ROM, ang batang may gatas pa sa labi.


1. Pangalan at Edad?

Rom Terrado

2. Anong pangalan ginagamit mo pag nalalaro ka (GG ID, etc)? San mo naman napulot to? 
Capital L-B-C

3. Ilang years ka na naglalaro ng dota?
4-5 years

4. Ano ang first hero na natutunan mo? At bakit?
Leshrac the malicious, madali lang siyang gamitin

5. Ano ang di mo makakalimutang experience sa dota?
Nabibigyan ako ng extra cash :))

6. Sino nagturo at nag-impluwensya sa yo na maglaro ng dota? 
Mga dabarkads

7. Bakit mo nagustuhan ang dota?
Pamatanggal ng stress

8. Ikaw ba ay taga-utos? O taga-sunod ng utos? At bakit?
Madalas taga utos, bihira maging taga sunod. Balance lang kasi kami

9. Napahamak ka na ba ng dahil sa dota? Kelan at bakit? 
Oo, napikon mga kalaban namin dahil sa trashtalk

10. Kung yayain ka ng GF/misis mo mamili ng sapatos, at niyaya ka din ng tropa mo magdota, sino susundin mo? At bakit?
GF syempre,siya ang priority ko

11. Ano ang paborito mong linya kapag nangta-trashtalk ka?
Mag tetris ka na lang, bobo mo e

12. Sino ang paborito mong i-trashtalk?
Katapat sa lane, mga bentang kakampi

13. Ano sa tingin mo ang kailangan ng isang taong gustong maging magaling sa dota?
Practice makes perfect, so practice 

14. Ano sa tingin mo ang kailangan mo pang i-improve sa dota skills mo
- Walang Sagot

15. Sa tingin mo ba eh magaling ka magdota?
Laro muna bago mag judge

16. Napagalitan ka ba ng nanay/asawa mo dahil sa dota?
Isang beses lang

17. Nakasira ba ang dota sa trabaho at pag aaral mo?
Hindi naman.

18. Kelan mo balak mag-quit? 
Matagal tagal na rin akong huminto sa dota

19. Sa tingin mo ba eh pogi ka? 
What do you think? lol =))


20. Last but not the least, ano ang masasabi mo sa ibang dota players out there?
I balance ang dota sa iba pang bagay, wag gawing priority ang dota


Pansin nyo, masyado sya tipid sa mga sagot nya no? Nyahahaha! There you have it folks, the last of this month's Dota Player of the Week series. Next week abangan nyo ang pag-face-off ng apat na dota players natin! Simple lang naman, paramihan ng LIKES! Wahahaha. Ang may pinakamaraming Likes ay mananalo ng special prize! Abangan!


Read more...